SABI ni Rep. Reyes sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, iisnabin lamang nito ang ‘disqualification case’ sa kanya ng Supreme Court dahil nanindigan ang kongresista na dehins niya kikilalanin ang naging resulta ng decision ng mga naglaglag sa kanya para mapatalsik siya sa puwesto bilang kinatawan ng Marinduque.
Ayon sa kuento ng kampo ni Rep. Reyes inaasahan na nila ang desisyon ng SC lalo na ang erpat ng kaniyang kalaban sa pagka- kongresista na si Lord Allan Velasco ay isa sa Senior Justices sa SC.
Sabi ni Rep. Reyes ang House of Representatives Electoral Tribunal o HRET na ang may hurisdiksyon sa kaniyang kaso at doon nila idedepensa ang kaniyang case problem.
“It was expected po dahil ang aking kalaban ay anak ng sitting Supreme Court Justice Presbitero Velasco.†Sabi ni Rep. Reyes sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO.
Malaki ang tiwala ni Rep. Reyes, sa HRET ay mabibigyan sila ng sapat na pagkakataong i-depensa ang kanilang kaso.
Sabi ng kampo ni Rep. Reyes sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mas naka-focus sila sa mga positibong bagay at hindi sa negatibo, tulad ng pagsulat ng mga resolusyon na makakatulong sa madlang people at sa Philippines my Philippines.
Sinasabing walang plano ang kampo ni Rep. Reyes regarding sa pagsasampa ng impeachment complaint laban kay SC Justice Velasco.
Sinabi ni Rep. Reyes, miembro ng House Committee on Justice na isa siya sa mga dumidinig sa mga impeachment complaint sa Kongreso.
Ayon kay Rep. Reyes, hindi siguro matanggap ng kalaban ko na si Allan Lord Velasco na nilampaso ko siya ng halos 4,000 boto sa probinsiya namin.
Sabi ni Rep. Reyes, na walang basehan ang petisyon laban sa kanya dahil ang pinagbatayan lamang ay isang blog sa internet ng isang hindi kilalang blogger at isang xerox copy mula sa Bureau of Immigration na hindi man lang certified true copy, na nagsasabing isang American citizen ang nanalong kongresista.
Sabi ni Rep. Reyes, mismong si COMELEC chairman Sixto Brillantes ng ang nagsabi on record sa kanyang dissenting opinion na pawang hearsay ang ebidensiya laban sa akin.
Hinanakit ni Rep. Reyes, ang mas masama ay ni hindi man lang diumano pinatawag upang tumestigo ng personal ang mga testigo na naghain ng mga sinasabing ‘evidence’ laban sa akin.
Ayon kay Rep. Reyes, “Hanggang ngayon, hindi masasabi ng sino mang miyembro ng COMELEC o ng Korte Suprema kung may ganyang ngang tao o kung tunay na tao man ang nag-blog sa internet at nagsumite ng xerox copy mula sa Immigration laban sa akin,â€
Dagdag pa ni Rep. Reyes, “ito lang ang hearing sa COMELEC o sa SC na ang witnesses ay hindi man lamang kinilala ng personal o sumumpa ng personal sa harap ng COMELEC o Hukuman upang patunayan na sila nga ang mga tunay na nagsumite ng ebidensiya; at kung totoo nga ang laman ng kanilang inihain na ebidensiya.â€
Halos maiyak si Rep. Reyes dahil hindi siya nabigyan ng pagkakataon na idepensa ang sarili sa Comelec man o sa SC.
Ilan ulit na ikinuento ni Rep. Reyes, bago siya magrehistro ng kanyang certificate of candidacy, nag-renounce na muna siya ng kanyang US citizenship sa harap ng isang public administrator.
Imbitasyon para sa 5 cock derby ni Kuyang Biyong
INAANYAYAHAN ni Atty. Silverio ‘Kuyang Biyong’ Garing, promoter, ang lahat ng kasabong sa Philippines my Philippines na sumali sa 5 cock derby na may malaking premyo na gaganapin sa Tagaytay Excellence Tourist Arena, Tagaytay City sa December 7, 2013 (Sabado).
Ibinida ni Kuyang Biyong, malaki ang premyo sa magka-kampeon manok dahil ang 5 cock derby ay itinapat nila sa araw ng unang anibersaryo ng sabungan.
‘Kaya mga kasabong huwag kayong mawawala dito sayang ang pa premyo inihanda namin para sa ‘champion.’
Abangan.