MAY mga reklamo tayong natanggap mula sa ilang concerned citizens ng Pasay na tutol sa reclamation na isasagawa ng lungsod sa malaking bahagi ng Manila Bay. Anila, walang karapatan ang local na gobyerno na mag-reclaim ng 300 ektarya ng lupain kung ang malaking bahagi nito ay ibibigay sa pribadong negosyante.
Iyan ay probisyon ng Section 17 ng Republic Act 7160 na nagsasaad na dapat, ang ganyang proyekto ay para serbisyohan ang pangangailangan ng mga residente at gagastusan ng pondo ng lungsod.
Sa kinukuwestyong proyekto, hindi interes ng mga residente ang seserbisyuhan tulad ng malinaw na nahiwatigan sa ilang dokumento mula sa City Hall. Malaking bahagi nito ay ibinigay na sa pribadong sektor sa negosyo. Bukod diyan, ang gagastusin sa proyekto ay perang mula sa mga negosyante. Sa unang tingin ay parang maganda porke walang gastos ang gobyerno pero magsuri muna tayo.
Nakikita ko ang lohika ng probisyon ng local government code. Kapag mga negosyante ang gumastos, eh di parang kanila na ang reclaimed area at hindi na puwedeng ariin ng lungsod at kawawa naman ang taumbayan. Ayaw ko namang isipin na may ilang matataas na taong makikinabang sa negosasyong ito na ang magdurusa naman ay mamamayan ng lungsod.
Sa Pasay City Council Resolution 3020, Series of 2013, may nakasaad na ganito: “WHEREAS, under the proposal, there will be no expense on the part of the City Government of Pasay as its contribution to the joint venture will be its authority, rights and privileges to undertake reclamation projects in its jurisdiction under existing laws…â€
Pirmado ang resolusyong ito nina Vice Mayor Marlon Pesebre at ilang mga konsehal ng naturang lungsod.
Ngunit napakalinaw sa Local Government Code sa land reclamation partikular sa Section 17 ng Republic Act 7160, o Local Government Code of 1991. Sa kakulangan ng espasyo, buod na lang ang ilaÂlathala natin na nagsasabing ang ganyang proyekto ay dapat para sa kapakinabangan ng taumbayan at ang perang gagastusin ay dapat magmula sa kaban ng lungsod. Wika nga, mula sa buwis ng taumbayan para walang dahilan para ipaubaya sa pribadong mga negosyante.
Kaya marami ang nagtaÂtanong: Bakit parang ibinenta sa private businessmen ang isang proyekto na sana’y para sa kapakiÂnabangan ng mga taumbayan?