HUWAG nating husgahan ang kapwa “without due process of law†maging sila ay mga senador o mga pribadong mamamayan. Lahat ng nilalang sa bansang ito ay dapat ituring na “innocent until proven otherwise.†Ito ang pagkakakaiba ng ating lipunan sa mga rehimen noon ni Saddam Hussein sa Iraq at ni Moamar Khadafy sa Libya.
Maraming nagawang kabutihan sa bayan sina senador Franklin Drilon, Jinggoy Estrada, Bongbong Marcos at Loren Legarda. Halimbawa, sa dami ng OFWs na humihingi sa akin ng iba’t ibang klaseng tulong, wala akong ibang matawagan o matatakbuhan kundi ang mga nabanggit na mga senador. Kilala ko silang lahat. I know whereof I speak.
Si Frank ang ika nga ay “Father of OFW Runaway Centers†sa ibayong dagat. Bilang Secretary of Labor noon ni President Cory Aquino, pinangunahan niya ang pagbubukas ng OWWA Centers sa Abu Dhabi, Dubai at Riyadh. Si Jinggoy naman ay ilang beses kong nakasama sa Git-nang Silangan para dumalaw sa mga stranded, maysakit, nakakulong na OFWs at nagbibigay ng financial assistance, free return tickets, hugs and comforts at iba pa.
Si Bongbong naman ay mabilis pa kay Jess Lapid kung mag-draw ng funds sa sarili niyang bulsa para tumulong sa kawawang OFWs. Si Loren naman ganun din mula pa nang itatag ang ating NGO na OFW Family Club noong June 15, 2001. Laging present siya tuwing nagdadaos ng anibersaryo ang OFW Family Club. Mahal na mahal niya ang OFWs at may kasunduan kami na siya ang mag-co-sponsor ng mga panukalang batas ko sa mababang kapulungan ng Kongreso.
Ipagdasal nating OFWs na malampasan ng mga kasangga sa Senado ang anumang mga problema na hinaharap nila.