WALANG pinipiling panahon ang mga sindikatong nangongopya ng mga credit card subalit tumataas ang insidente ng skimming tuwing yuletide season! Abala kasi ang publiko sa mga okasyon at pamimili bilang paghahanda sa Kapaskuhan.
Karaniwang nangyayari ito sa mga restaurant at gasoline station kung saan, hindi nakikita ng customer ang proseso ng pagbabayad gamit ang credit card. Ilan sa mga empleyado ng mga establisemento ang nakiki-pagsabwatan sa mga sindikato kapalit ng porsyentong makukuha sa bawat transakyon.
Gamit ang skimming device, naisasagawa na ang modus. Kapag na-i-swipe na ang card, may kapasidad ang skimming device na makopya ang lahat ng detalye at maaari itong ma-duplika ng mga sindikato!
Ang mga duplicated credit card naman ay ibinibenta ng mga sindikato at ginagamit sa iba’t ibang transaksyon
Credit card na ang uso at madalas na ginagamit pambayad ng mga mamimili ngayon.
Paalala ng BITAG sa publiko partikular sa credit card holder, hangga’t maaari, magbayad na lang ng cash sa mga gas station at restaurant. Kung hindi maiiwasan, tiyaking nakikita ninyo ang pag-swipe sa inyong card upang hindi kayo mabiktima ng mga sindikato.
Mag-ingat!
* * *
Sa iba pang anti-crime tips ngayong “ber†months, manood at makinig ng Bitag Live! araw-araw tuwing 10:00-11:00 ng umaga sa AKSYON TV Channel 41 at Radyo 5 o via live streaming sa www.bitagtheoriginal.com/bitagsaradyo. Sa mga bagong episode ng Pinoy-US Cops – Ride Along at BITAG, mag-log on sa www.bitagtheoriginal.com.