ALAM n’yo bang nagalit ang isang governor nang hindi lumabas sa mga balita ang pagtungo niya sa Senado?
Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay Rep. Mark Cojuangco, Atty. Eddie Jara, Rolando Tacub, Bro. Edwin Costes, Bro. Sherwin Pua, Rommel “jurot†Manaois at Florante Rosales ng DZRH. Nakikiramay ako sa pagyao ni dating DOTC Sec. Larry Mendoza.
Alam n’yo bang napagalitan ng isang governor ang kanÂyang PR man nang hindi lumabas sa mga balita ang kanyang pagiging resource person sa isang committee hearing sa Senado? Si Governor ay naging resource person sa hearing ng Senate Committee on Local Government tungkol sa postponement ng Sangguniang Kabataan (SK) election. Siya kasi ay matagal-tagal ding naging lider ng mga kabataan.
Ayon sa aking bubwit, nagsimulang magpaliwanag si Governor sa nasabing isyu ng 10:00 a.m. hanggang alas- 12:30 p.m. at kinober pa ng mga print at broadcast reporters sa Senado. Dahil sa haba ng paliwanag ni governor sa isyu ng SK election, inaasahan niyang lalabas ito sa mga balita. Subalit hindi lumabas. Natabunan ang isyu ng SK election dahil sa statement ni dating Sen. Joker Arroyo na nagsabing illegal ang DAP.
Ayon sa aking bubwit, pinagalitan ni Governor ang kan-yang staff dahil nasayang lamang daw ang kanyang oras sa Senado. Inabangan pala ni Governor sa TV at mga diyaryo ang pagtungo nito sa Senado pero hindi naibalita. Ang governor na nagalit ay si Governor M. as in Mataray.