NOONG Hunyo 26, 2005, kusa akong nagbitiw bilang Chairman ng National Labor Relations Commission dahil ayaw kung maging bahagi ng isang “overly corrupt†na pamahalaan ni GMA. Ang katungkulan na tinalikuran ko ay isang cabinet level rank. Matapos ang dalawang linggo, sina Secretaries Dinky Soliman, Butch Abad, Salvador Purissima at pito iba pa naman ang nagbitiw. Binansagan silang “The Hyatt 10â€.
Si GMA ngayon ay nakakulong dahil sa diumano’y plunder ng PCSO funds. Pero mayroon na namang kasong isinampa sa kanya sa Ombudsman na diumano’y plunder naman ng Malampaya Fund. Kasama sa mga co-accused niya ay tatlong dating Cabinet members at 20 pang matataas na opisyal. Tila totoo nga talaga yata ang kasabihang “birds of the same feather flock together†o ‘yung mga ibong magkakabalahibo ay laging magkakasama. Medyo nauna nga lang sa kulungan ng dalawang taon si GMA sa kanyang mga kabalahibo sa katiwalian.
Ang mga kabalahibo ni GMA ay mga kapartido niya rin tulad ni dating DAR Secretary Nasser Pangandaman. Pero sa bandang huli mukhang may mga makakasama rin si GMA sa kulungan na bagamat hindi niya mga kapartido ay mga kabalahibo rin naman niya sa katiwalian. Ang tinutukoy ko ay yung mga senador at kongresista ng iba’t ibang political party na nasangkot ngayon sa pork barrel scams. Sa tindi ng mga katibayan laban sa kanila, tiyak na they will all “flock together†with GMA in jail one day. Dapat magsipag-resign muna ang nasangkot na mga senador at kongresista. Gusto yata nila ay ako pa ang mag-resign bilang kongresista if I do not want to part of a corrupt Legislature. Silang lahat ang magsi-resign as I don’t want to work with a bunch of overly corrupt senators and congressmen maging mga kaibigan ko man sila o hindi.