ANO bang klaseng hayop ang DAP na ito na biglang lumutang habang nasa kainitan ang kontrobersiya ng PDAF. Kung hindi nag-privilege speech si Sen. Jinggoy Estrada noong nakaraang linggo, hindi lulutang ang hayop na DAP. Nakabuti ang pagkakasangkot ni Jinggoy sa PDAF saÂpagkat nabulgar ang tungkol sa hayop na DAP. Ayon kay Jinggoy, nakatanggap ng tig-P50-milyon ang mga senador na bumoto para ma-convict si dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona. Isa si Jinggoy sa nakatanggap ng P50 milyon.
Kung hindi binulgar ni Jinggoy ang P50-milyon na binigay sa mga senador, hanggang ngayon, hindi pa siguro nabubuking ang hayop na DAP. Wala marahil magbubulgar na senador sapagkat sila ay pawang maaakusahan na tumanggap ng lagay o suhol. Nagawa ni Jinggoy na ibulgar ang P50-milyon dahil nagkataong sila nina Senators Juan Ponce Enrile at Ramon Revilla ang dinidikdik ng Commission on Audit (COA). Maaaring ang katwiran ni Jinggoy ay damay-damay na. Tatlong senador lang ang hindi nakatanggap ng P50-milyon --- sina Joker Arroyo, Miriam Defensor Santiago at Ferdinand Marcos Jr.
Sabi naman ni Sen. Joker Arroyo, habang nasa kainitan pa ng Corona trial ay namudmod na ng PDAF. Naglabas daw ng P500 million mula sa PDAF at binigay sa 11 senador. Pagkatapos daw ng impeachment ay binigyan uli ng tig-P50 milyon ang mga senador na hindi niya malaman kung sino. Maaaring ang pera ay galing umano sa DAP.
Nagpaliwanag ang Malacañang na hindi suhol ang ipinagkaloob sa mga senador. Galing daw sa Disbursement Allocation Program (DAP). Ang pagbibigay daw ng pera mula sa DAP ay para mapabilis ang disbursement at mapaangat ang ekonomiya. Itinatag daw ito ng Department of Budget and ManageÂment noong 2011. Sabi ni Senator Arroyo walang kapangyarihan ang DBM na gumawa ng DAP lalo pa’t may kinalaman sa pera.
Nakaharang ang hayop na DAP sa sinasabing “tuwid na daan†ni President Aquino. Bakit kailaÂngang gumawa ang DBM ng mga hakbang na nagbibigay ng pagdududa sa mamamayan? Bakit kaÂilangang ilihim ang hayop na DAP? Bakit kaÂilangang mamudmod ng P50 milyon habang ini-impeach si Corona pero hindi raw “suholâ€. Naguguluhan na ang napopoot na mamamayan. Huwag sana silang mapuno sa galit.