KAHIT pa “sumabog†ang bomba ng Zamboanga, hindi pa rin nabubura sa ulirat ng tao ang naunang “nuclear bomb†ng PDAF scandal. Sa ngayon, nakatutok tayo sa mga persoÂnalidad na isa isang sinasangkot. Siyempre, ugaling Pinoy ang pagpiyestahan at pagtsismisan ang pagkatao ng nagkasala kahit dapat ang mismong kasalanan ang bigyang atensyon.
Sa PDAF scandal, nagtagumpay ang baluktot na sistema dahil naitago ito sa mapanuring mata ng publiko. Pagpeke, kasinungalingan, pagtatago – lahat ng ito ay kinailangang gawin upang mapagtakpan ang kumplikadong proseso ng panggagantso sa tao.
Buti nga kung isinikreto lang. Pero hindi eh. Lumalabas na hayagang pineke lahat ng kinakailangang rekisitos. Bastusan talaga ang nangyari – walang sinanto at walang nirespeto. Para bang nakabalot sa kumot ng kadiliman ang mga raket ng mga pinararatangan.
Sa dagat ng kaitiman ng nangyaring iskandalo, may balita na tila sinag ng kaputiang hindi nalulunod at pilit nilulutang ang ulo. Ito ang pagpasa ng Senado, sa pangunguna ni No. 1 Senator Grace Poe, ng Freedom of Information (FOI) Bill na magbibigay sa tao nang mas malawak at epektibong karaÂpatang malaman ang pinaggagagawa ng kanilang opisyalÂ. Parang sariwang hangin ang pakikipaglaban ni Senator Grace na kung puwede lang ay tatangayin na sa malayo ang baho ng PDAF scandal.
Sayang nga lang at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay patuloy na umiiwas si P-Noy sa pagsuporta sa maagang pagpasa ng FOI Bill. Sa Mababang kapulungan kung saan tradisyonal nang nililibing ang lahat ng panukalang freedom of information (mula pa noong 1992 ay naipanukala na at mas matanda pa ito sa unang internet connection sa bansa), muÂling maririnig ang kiyeme na hindi naman ito ganoon ka-urgent.
Sa ganitong pag-asta ng Presidente, hindi maiwasang maÂihambing ang kanyang negatibong pagpapakipot sa positibong pagpupursigi naman ni Senator Poe. Sa paghahambing sa dalawa, lumalabas na white ang isa at ang isa naman ay black.