INILARAWAN sa pelikulang “Rambo†ang peligro ng pagpapakawala sa lipunan ng tao na hinasa sa madugong pakay: pumatay. Nasaling lang nang konti si Rambo ay inisip nang inaapi siya ng mundo. At nang sunod-sunod na beses pang masaling, na normal lang sa buhay ng tao, ay bumigay na siya’t naghuramentado, nanakit, pumatay.
Nag-aala-Rambo ang 180 armadong kapaksiyon ni Nur Misuari sa Moro National Liberation Front. Sa pananaw nila, inaÂapi ng Malacañang ang kanilang founder at dating governor sa Autonomous Region for Muslim Mindanao. Pambusabos umano sa imahe ni Misuari ang hindi pagsali sa kanya bilang consultant man lang sa peace talks ng gobyerno at MNLF breakaway na Moro Islamic Liberation Front. Dahil kesyo kataksilan ang naturang talks sa naunang peace pact ng gobyerno at MNLF nu’ng 1996, naghuramentado na sila. Nang-hostage sila nu’ng Lunes ng 40 taga-tabing-dagat na baryo sa Zamboanga del Sur. Pumatay pa sila ng isang opisyal ng barangay.
Habang sinusulat ito, animnapu’t dalawa ang nauulat na napatay sa barilan sa pagitan ng mga huramentado at sunÂdalong gobyerno: walong sundalo at limampu’t apat na rebelde.
Pero hindi pa tiyak kung rebelde nga — o hostage — ang fatalities. Kasi magulo pa masyado ang sitwasyon para pumasok ang mga imbestigador ng krimen. Hindi rin matiyak kung ano ang demand ng mga huramentado kapalit ang pagpapalaya sa hostages.
Hindi ito ang unang paghuhuramentado ng Misuari loyalistsÂ. Nu’ng 2000, nang hindi siya in-extend ng Malacañang bilang ARMM governor, nang-hostage din sila ng 87 sibilyan sa Zamboanga. Pinatay ang isa rito at isang sumaklolong sundalo, at 30 sa kanila ay napatay.
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: jariusbondoc@gmail.com