Malisya?

HINAHANAP ng mga kasamahan namin sa media kung nasaan ang elemento ng malisya sa hatol na guilty of  libel ang editor-in-chief ng Sunstar Davao na si Stella Estremera at ang dating publisher nito na si Antonio Ajero na ngayon ay publisher at editor-in-chief na rin ng EDGEDavao business daily.

 Ang dalawa ay maghahain ng motion for reconsideration o appeal sa kanilang pagkaka-convict sa libel sa sala ng isang judge sa Digos City, Davao del Sur.

 Ayon sa ruling ng Huwes sa nasabing regional trial court sa Digos City  ang dalawa ay guilty nga raw sa libel dahil may malice raw ang pagkalathala ng isang police report noong 20013 tungkol sa 32 katao na sinabing allegedly involved sa illegal drug trade at sumurender sa police.

 Nagreklamo ang isa sa 32 na nasa official na listahan na pinalabas ng Southern Mindanao regional police office na naging  basis naman ng nasabing news article  na lumabas noong 2003 sa Super Balita na isang Bisaya local tabloid ng Sunstar Davao.

 Hindi maiwasang magtanong ukol sa ruling na guilty nga ang dalawa ng libel.

 Isa ay ukol sa malice – kilala ba ng mga akusado ang nasabing complainant na isa sa 32 na nasa listahan ng police na naging basis ng report? Ayon kay Stella at Tony eh, hindi nga nila kilala ni isa sa 32 na nandun sa listahan. So, paano magkaroon ng malisya ang news report kung hindi nga nila at wala namang dahilan ang dalawa na lagyan ng malice ang istorya?

 At saka kung malice ang pag-usapan, dapat din sigurong tingnan ang naging role ng police dito. Kasi sa pulis nanggaling ang nasabing listahan. May malice ba ang pulis kasi sila ang naglagay sa mga pangalan sa listahan na naging public document na nang ito ay nilabas sa media as official report ng Southern Mindanao regional police office.

 Ang kanilang conviction ay dahil daw sa hindi pagkuha ng reporter nila sa side ng complainant. Una, walang contact ang dalawa o ang reporter nila sa 32 na nasa listahan ng mga sumurender.

 Lumalabas na nakakatakot ang naging conviction ng libel sa dalawa na kung saan ito ay dahil lang sa isang police report. Scary.

 At dahil dito mariing tinulak ang pagpasa ng batas na magdi-decriminalize ng libel na nasa kamay na ng ating mga mambabatas sa Kongreso at sa Senado.

 Decriminalize libel now!

Show comments