SA Aklat ni Sirak ay nagtagubilin ang Diyos: “Anak ko, maging mapagpakumbaba ka sa pagtupad ng tungkulin. Habang ikaw ay dumadakila, lalo ka namang magpakumbabaâ€. Ayon sa Salmo: “Poon. biyaya mo’y bigay sa mahirap naming buhayâ€. Matatamo natin ito kung lalapitan natin tuwina si Hesus, ang Tagapamagitan ng Bagong Tipan sa tunay na handaan.
Ang isang handaan ay bahagi sa buhay nating mga Pilipino. Kahit tayo ay nasa ibang bansa ay patuloy na-ting ipinagdiriwang ang pista ng sinilangang bayan. Kaya sa buong taon halos linggu-linggo ay merong kapistahan sa iba’t ibang panig ng bansa, bukod pa ang handaan sa kaarawan, kasalan, anibersaryo at babang luksa ng pumanaw. Ang malaking tanong ni Hesus sa ating pagdiriwang ay sino ba naman ang ating inaanyayahan?
Itinuturo sa atin ni Hesus ang tunay na handaan. Huwag mga kaibigan, kapatid, kamag-anak o mayaman sa halip ay mga pulubi at may-kapansanan sapagka’t hindi sila makagaganti kundi “gagantihan ka ng Diyos sa muling pagkabuhayâ€. Hinahangaan ko ang isang sikat, maganda at mabait na artista na sa kaarawan niya nitong nakaraang Agosto ay ang palagi niyang pinaghahandaan sa kanyang kaarawan ay mga batang may karamdaman at hindi nakaririwasa sa buhay at ganun din para sa mga matatanda at may kapansanan. Sa pag-awit ng mga bata ng happy birthday ay luha lamang ang dumaloy sa mga mata ng magandang artista. Pagpalain ka ng Diyos, Marian Rivera sa iyong kabutihan.
Tularan din natin siya upang tulad nang sinabi ni Hesus at gagantihan tayo ng Diyos para sa buhay na ating pinaghahandaan, ang mu-ling pagkabuhay. Sa mga pagdiriwang sa ating mga kapistahan sino kaya sa atin na ang pinaghahandaan ay mga pulubi at may karamdaman?
Kaya maraming nag-iisip na ang ating bansa ay tinaguriang “the only Catholic country in Asiaâ€. Ito ba’y sa pangalan lang? Kung isinasabuhay natin ang pananampalataya, tularan natin si Hesus na sa pagdiriwang ay unahing paghandaan ang mga pulubi at may kapansanan.
Sirak 3:17-18,20,8-29; Salmo 67; Hebreo 12:18-19,22-24a at Lukas k14:1, 7-14