SANA’Y paki-check ng City Engineer ng kyusi itong sinasabing mapanganib na gusali na itinatayo diyan sa Santolan Road.
Ilang residente ng Quezon City ang nakiusap sa atin na tawagan ko ng pansin ang local na pamahalaan ng QC, partikular ang City Engineer’s Office dahil sa naturang gusali na pinagdududahan ang tibay.
Ayon sa ilang concerned citizens, ang itinatayong 5-palabag na gusali ay puwedeng magsapanganib sa mga mamamayan ano mang oras. Hindi pa natatapos ang konstruksyon nito na nasa isang 300-square meter lot sa 235 Santolan Road.
Hinihinala na “sub-standard†ang mga ginamit na construction materials sa gusali.
Anang mga nangangambang residente, ang gusali ay medyo nakatagilid pakaliwa na maaaring bumagsak sa kaunting pagyanig o malakas na hanging dulot ng bagyo. Inirereklamo na ang gusali ay walang tinatawag na “5-meter setback†na rekisitos ng building code sapagkat ito’y ginagawa mismo sa tabi ng national highway.
Wala rin umano itong nakapaskel na pangalan at bilang ng PRC license ng contractor, architect at engineer. Wala ring karatula tungkol sa numero ng building permit. Ayon pa rin sa kanila, makikitid ang pasilyo at hagdan ng gusali.
Higit na kapuna-puna rin daw ang kawalan ng safety nets sa paligid ng gusali at walang pinasusuot na protective gears sa mga construction workers.
Baka lang hindi pa napapansin ito ni Mayor pero kapag personal niyang nakita ito’y malamang ipatatawag niya kanyang Building Permit Adminsitrator Isagani Verzosa, upang magpaliwanag at gumawa ng kaukulang aksyon bago magka-aksidente.
Umaasa tayo na maaagapan ang pro-blemang ito bago maganap ang ano mang aksidente . Sana rin ay isa laÂmang oversight ito na kapag nakatawag ng pansin sa pa-mahalaan ay agad aaksyonan.
Sana’y wala ring iregularidad sa pag-iisyu ng building permits para hindi isipin ng tao na may korapsyon na nagaganap.