MAYROON na raw nakahandang plano ang administrasÂyon para repormahin ang Bureau of Customs (BoC) at tuluyang matuldukan ang kultura ng katiwalian sa ahensya.
Ang problema sa reporma kahit maipatupad ito ay babalik din sa dating tiwaling sistema kapag nagpalit ng administrasyon. Kapag iba na ang Pangulo at may bagong pinuno na maitatalaga, pihong magkakaroon muli ng pagbabago. Okay lang sana kung mabuting pagbabago pero mas malamang hinde.
Ang kailangan natin ay isang institutionalized program of reform laban sa institutionalized culture of corruption.
Kongreso ang makagagawa nito. Bubuo ng batas na magtatatag ng isang bagong ahensyang gaganap sa tungkuling pangungulekta ng buwis sa mga ipinapasok na kalakal at magtatakip sa lahat ng butas para walang sino man (opisyalo man o kawani) ang ubrang gumawa ng kabalbalan gaya ng pakikipagsabwatan sa mga nagpapasok ng kalakal.
Kung may determinasyon, mayroong paraan. Pero kung totoo na may mga “powerful forces†na pumapadrino sa mga smugglers kagaya ng ibinunyag ng dating BoC deputy commissioner Danny Lim? Ang ikinadismaya ko lang kay Lim ay hindi niya nagawang isiwalat ang mga taong sinasabi niyang “very powerful.â€
Ibig kong sabihin, kung nasa lehislatura ang padrino ng mga smugglers, paano mo maaasahan ang mga ito na magpatibay ng batas na puputol sa kanilang kabalbalan? Eh di para silang kumuha ng masong ipinukpok sa sariling ulo.
Magandang hamon ang pagreporma, hindi lang sa BoC kundi sa lahat ng mga ahensyang sinasabing talamak ang katiwalian pero kailangan ang isang sinserong hangarin na maipatupad ito.
Tulad ng madalas kong sabihin, lahat ng sistema ay puwedeng maging mabuti o masama depende sa mga taong gumagamit nito. Ayy, naalala ko na naman yung paborito kong kanta ni Billy Joel: “Honesty is such a lonely word, everyone is so untrue!â€