Nabingi ako sa katahimikan ni Gen. Danny Lim

NAGING kasama ko si Gen. Danny Lim na lumaban kay Gloria Macapagal- Arroyo. Nasampahan siya ng mga tuta ni Gloria ng kasong rebellion at ako naman ay nasampahan ng magkaibang kaso ng inciting to sedition at rebellion. Ang dalawang kaso laban sa akin ay pending pa hanggang ngayon. Inalok kami ni P-Noy ng amnesty pero di ko tinanggap. I told the press noon na the two cases against me are my badges of honor. Si Lim naman ay mabilis pa sa alas kuwatro na tumanggap. Ang ibig sabihin sa ginawa ni Lim ay humingi siya ng mercy at sori sa Estado sa ginawa niya laban kay Gloria. Doon pa lang ay nagduda na ako sa pagka-patriotiko ni Lim.

‘Yun pala naman ay may kapalit. Ginawa siya ni P-Noy na Deputy Customs Commissioner for Intelligence. Alam naman ng buong sambayanang Pilipino na kapag nagtratrabaho ang isang nilalang sa Customs, kahit janitor lang, nagiging mayaman siya. Samakatuwid, sa loob ng tatlong taon na nasa Customs si Lim, di maaring di niya nakikita ang talamak na katiwalian doon pero bakit nakabibingi ang naging katahimikan niya?

’Yung napabalita na may nasikwat na 2000 containers na highly dutiable goods na pag-aari diumano ni Lucio Lao Co ng PureGold ay tila di rin nakita ni Lim. Pare ko’y kung ikaw ay naging bulag o nagbulag-bulagan sa Customs ako naman ay maliwanag pa rin ang paningin at napaka-obvious sa mga mata ko ang dahilan kaya ka nagkaganyan.

At ngayon, masyadong diyahe na Danny Boy. Bakit gusto mong mag-Immigration Commissioner o mag-NFA Administrator. Tsk-tsk, pati finis nawalan ka na Mistah. Bakit di mo pa hilingin kay P-Noy na gawin kang BIR Commissioner o Pagcor Chairman o Secretary ng DPWH? Ano na ang nangyayari sa iyo, Bok?

Show comments