Si ama’t si ina ay nagbibiruan
kaya maligaya sa aming tahanan;
Ang utos ni ina ay agad susundan
ng biro ni amang mahina’t malaman!
Ang utos at biro ay parang totoo
kaya nangyayaring sila’y nagtatalo;
At itong si inang ay ayaw mabiro
dadampot na agad ng walis na tambo!
Sunod ay habulang hindi mo mawari
kaya mga anak ay nauunsyami;
Sila ay tulog pa kaya nangyayari
ang apat na anak ay natuturete!
Panganay na anak ay agad sisigaw
“Anong nangyayari sa loob ng bahay!â€
Sa nangyaring yaon agad na sisinsay –
away mag-asawang hindi naman away!
Sana naman sana si mister at misis
kung nagbibirua’y sa sariling silid;
Sa sistemang ito’y hindi matsitsismis
nitong mga anak na nakikimasid!
Saka sa tahanan ang ama at ina
ay kapwa modelo sa tahanan nila;
Anumang alitang nagagawa nila
di dapat humantong sa maling akala!
Dahil inakalang kanilang biruan
ay totoong away sa isang tahanan;
Pagka’t nabulabog buong sambahayan
mga kapitbahay agad naglabasan!