Mga Pinoy pinalalago ang ekonomiya ng China

SA gusto natin o hindi, ang China ay hindi natin maitutu-ring na pangmatagalang kaibigan. Hindi ko sinasabing makikipagdigmaan tayo sa dambuhalang bansang ito. Marahil ay makipagplastikan na lang muna tayo sa kanila habang naghahanap ng military and diplomatic alliances para mabalanse and puwersa nila.

Ang China ngayon ay abalang-abala sa pagpapalago ng kanyang kakayahan bilang isang military superpower dahil sa economic boom na tinatamasa nito. At tayong mga Pinoy naman, wittingly or unwittingly ay umaambag sa pagpapaunlad ng ekonomiya nila dahil sa hilig nating bumili ng mga made in China.

Money is the lifeblood of the economy, ayon sa mga ekonomista. Ang pera raw ay dugo na nagbibigay-buhay sa isang ekonomiya. Kaya bawat bili natin ng made in China, gumagawa tayo ng “lifeblood” transfusion sa kanilang ekonomiya. Ang buong mundo ay binabaha rin ngayon ng Chinese goods. Minsan nga pinasalubungan ako ng wallet ng kapatid ko na galing sa Amerika. Akala ko gawang Tate, iyon pala gawang China.

Ang populasyon ng China ay umaabot na ng 1.5 billion. Ito ay lalong lumalaki dahil doon sa mga lugar na malalayo sa government capitals ng China, di naman nasusunod ang ika nga ay draconian measures na pilit ipinapatupad nito na ilimita lamang sa dalawang anak bawat mag-asawa. Dahil sa economic boom, ang kanilang agricultural lands ay na-convert na into housing subdivisions and business centers. Kaya natural lang na balang araw ay hahanap sila ng more living space o “lebensraum” ayon kay Hitler. At ang unang “lebensraum” na aangkinin ng China ay ang Pilipinas.

Kitang-kita naman natin ang kadiliman ng budhi ng China sa ginagawa nitong illegal incursions ngayon sa West Philip­pine Sea. Kaya mga kababayan, stop aiding the enemy. Buy Philippine made products.

Show comments