SA pagsisimula ng unang araw ng 16th Congress, dapat muna sigurong plantsahin ang mga di-pagkakaunawaan at iringan ng mga mambabatas. Wika nga’y burahin na ang mga personal na galit upang hindi makaapekto sa takbo ng dalawang Kamara ng Kongreso.
Kaugnay ng hidwaan nina Senador Alan Peter CayeÂtano at dating Senate President Juan Ponce Enrile, sinabi ng nakababatang mambabatas na handa siyang maunang humingi ng dispensa kay Enrile.
Matatandaan na naging malaking isyu ang kuwestyonableng distribusyon ng tinatawag na maintenance and other operating expenses (MOOEs) ng mga senador noong nakaraang taon at dito’y matinding idiniin ni Ca-yetano si Enrile.
Dahil bumagsak ang imahe ni Enrile, pati kandida- tura sa senadurya ng kanyang anak na si Jackie ay nasilat sa kabila ng full-blast campaign at radio-tv at print commercials nito. Kaya matindi ang galit ni Senador Enrile kay Cayetano at matatandaang nagkabatuhan pa sila ni Cayetano ng masasakit na salita.
Matatandaan na naging malaking isyu ang kuwestyonableng distribusyon ng karagdagang additional maintenance and other operating expenses (MOOEs) ng mga senador noong nakaraang taon.
Kilala ko si Cayetano bilang isang Kristiyanong naniniwala sa Bibliya at alam ko na ang mga ginawa niya noon ay walang bahid ng pamemersonal kundi atas lang ng kanyang tungkuling sinumpaan.
Malamang na si Cayetano ngayon ang maging Majority floorleader samantalang si Enrile ay ang Minority leader. Hindi naman tayo umaasa na magkakasundo sa mga opisÂyal na usapin ang dalawang mambabatas dahil ang isa’y minorya at ang isa’y sa pa nig ng mayorya. Pero magi-ging pangit kung makakaapekto pa rin ang matandang iringan ng dalawang senador.
Sinabi pa ni Cayetano na nakahanda siyang unang gumawa ng hakbang para makipag-ayos kay Enrile.
Tama lang marahil yon na siya ang mauna bilang resÂpeto na rin kay Enrile na nakatatanda at beteranong mambabatas. Para sa kabu-tihan ng ating bansa ito.