HINAHANAP na raw ng Department of Justice (DOJ) ang recruiter ng binitay na drug mule sa China noong Miyerkules. Hinihikayat ni DOJ Sec. Leila de Lima ang pamilya ng Pilipinang binitay na makipagtulungan sa kanila para matukoy at mahuli ang nag-recruit sa kanilang kapamilya. Pero ang mahirap ay kung makikipagtulungan nga ang pamilya. Ayaw nga nilang ipabunyag ang pa-ngalan ng binitay.
Ang tagumpay ng imbestigasyon ng DOJ at kung sino pang ahensiya ang tutulong ay nakasalalay sa impormasÂyon na maibibigay ng pamilya. Tandaan na hindi lang ang Pilipina ang naging drug mule kundi pati ang kanyang pinsang lalaki na nahuli rin at kasaluku-yang nasa death row. At ayon sa mga otoridad sa China, 18 beses pumasok sa China ang binitay at nagdala ng iligal na droga. Kaya malamang ay kilala ng pamilya ang recruiter.
Lima na ang nabitay sa China dahil sa pagdala ng iligal na droga mula 2011. May nahuli na bang recruiter o sindikato na umakit sa mga nabitay na drug mule mag mula 2011? Mga drug mule ang napaparusahan nang husto, at hindi ang mga sindikato na nasa likod ng krimen! Bakit ganun?
Wala bang impormasyon ang mga otoridad kung sino ang mga nasa likod ng pag-akit sa mga nagiging drug mule? Ganun ba sila kagaling magtago ng kanilang operasyon? O dahil walang kooperasyon mula sa mga pamilya ng nahuhuli o nabibitay? May mga padrino rin ba ang mga sindikato sa hanay ng mga otoridad kaya alam nila ang lahat ng kilos kapag pinaghahanap na sila? Hindi malayong mangyari, hindi ba?
Gusto ko namang makabasa ng balita na may nahu-ling recruiter o sindikato na nasa likod ng pagdala ng mga droga sa ibang bansa. Wala nga tayong death penalty sa Pilipinas, pero may kulong na panghabambuhay naman. Hindi titigil ang mga sindikato kung wala silang takot sa batas. Takot sila sa batas ng China kaya sila naghahanap ng mga drug mule para gawin ang kanilang krimen. Dito, tila wala silang katakut-takot. Kasi pati mga manghuhuli ay nabibili ang kaluluwa. Pati mga otoridad ay may presyo. At sa dami naman ng pera ng sindikato, barya lang ang halaga ng Pilipino. Kung wala nga silang pakialam sa buhay ng tao, maliit na halagang pera pa kaya?
May 28 Pilipino pa sa death row ng China na naghihintay na lang ng kamatayan. Kikilos na lang ba ang gobyerno kapag nabitay na? Hahanapin ba ang mga recruiter kapag tapos na ang pagbitay? Dapat ngayon pa lang, o matagal nang sinimulan ang paghahanap sa kanila!
Hindi titigil ang mga sindikato kung wala silang takot sa batas. Takot sila sa batas ng China kaya sila naghahanap ng mga drug mule para gawin ang kanilang krimen. Dito, tila wala silang katakut-takot. Kasi pati mga manghuhuli ay nabibili ang kaluluwa. Pati mga otoridad ay may presyo. At sa dami naman ng pera ng sindikato, barya lang ang halaga ng Pilipino. Kung wala nga silang pakialam sa buhay ng tao, maliit na halagang pera pa kaya?
May 28 Pilipino pa sa death row ng China na naghihintay na lang ng kamatayan. Kikilos na lang ba ang gobyerno kapag nabitay na? Hahanapin ba ang mga recruiter kapag tapos na ang pagbitay? Dapat ngayon pa lang, o matagal nang sinimulan ang paghahanap sa kanila!