Prayoridad na legislative advocacy ni Acting Senate President Jinggoy Ejercito Estrada ngayong 16th Congress ang kapakanan ng mga manggagawa.
Sa kanyang unang set ng mga panukala sa bagong Kongreso, 10 rito ay nagsusulong ng kagalingan, kaÂrapatan at pangkabuuang pag-unlad ng mga manggaÂgawa, partikular ang mga ordinaryong empleyado sa pribadong sektor, government employees, overseas workers, child laborers, self-employed workers at call center agents.
Nangunguna rito ang Magna Carta for Filipino Seafarers; pagpapalakas ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa pamamagitan ng pagkakaroon nito ng bagong charter; Magna Carta for Business Process Outsourcing (BPO) workers; strengthening worker’s right to self-organization sa ilalim ng Labor Code; ibayong pagpapalakas ng National Wages and Productivity Commission (NWPC); pagtataas sa P4,000 ng Personnel Economic Relief Assistance (PERA) to government employees; regulatory standards for trainings and employment of apprentices upang matulungan ang mga kabataan na magkaroon ng skills and access to employment; protection and enhancement of welfare of self-employed workers and craftsmen; at additional support, benefits and compensation for barangay officials.
Ang mga usapin sa paggawa ay pangunahing ipi-nursige ni Jinggoy sa kaniyang pagsisilbi bilang chairman ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development at ng Congressional Oversight Committee on Labor and Employment at Congressional Oversight Committee on Overseas Workers Affairs.
Matatandaang ang pro-labor advocacy niya ay umani ng suporta mula sa mga manggagawa at iba’t ibang sektor.
Aniya, kasabay ng mga panukalang ito ay isusulong pa rin niya ang pagpapahusay ng employee-employer relations, pagsuporta ng industriya at iba’t ibang sektor sa mga manggagawa at kanilang pamilya gayundin sa mga kabataang magsisimula pa lang magtrabaho, proteksiyon ng mga manggagawa laluna ang mga OFW, pagdaraos ng employment dialogues/summits, at pagpapalakas ng livelihood and business opportunities para sa mga kababayan laluna sa mga pamilya ng migranteng manggagawa.
Dagdag ni Jinggoy, patuloy niyang isusulong ang interes ng mga manggagawa. Naniniwala umano siya na ang mga manggagawa ang pangunahing magtataguyod ng kabuuang pag-unlad ng ating bansa.
Oversight Committee on Overseas Workers Affairs.
Matatandaang ang pro-labor advocacy niya ay umani ng suporta mula sa mga manggagawa at iba’t ibang sektor.
Aniya, kasabay ng mga panukalang ito ay isusulong pa rin niya ang pagpapahusay ng employee-employer relations, pagsuporta ng industriya at iba’t ibang sektor sa mga manggagawa at kanilang pamilya gayundin sa mga kabataang magsisimula pa lang magtrabaho, proteksiyon ng mga manggagawa laluna ang mga OFW, pagdaraos ng employment dialogues/summits, at pagpapalakas ng livelihood and business opportunities para sa mga kababayan laluna sa mga pamilya ng migranteng manggagawa.
Dagdag ni Jinggoy, paÂÂ tuÂÂloy niyang isusulong ang interes ng mga manggagawa. Naniniwala umano siya na ang mga manggagawa ang pangunahing magtaÂtaguyod ng kabuuang pag-unlad ng ating bansa.