Partylist nominee sinibak

POSIBLE ba na ang isang Pilipinong iba ang nasyonalidad ay magkaroon ng political position sa pamahalaan?

Maaari palang makalusot kung hindi magiging mabusisi ang mga kinauukulang partido. Kahapon ay inihayag ng OFW Family Club Partylist (OFWFCP) ang pagkakasibak sa ikalawang nominee nito dahil nagtataglay ng US citizenship. Mabuti naman at nasilip kaagad ang discrepancy na ito. Malinaw kasi sa Konstitusyon na hindi puwedeng maupo sa ano mang elective position ang sino mang banyaga.

Aral na rin ito kahit sa mga regular na political parties na tiyaking maigi kung ang mga kandidato nila ay tunay na Pilipino at hindi green card holders o may ibang pagkamamamayan.

Ang nasibak na nominee ay si Juan “Johnny” Revilla na ayon sa OFWFCP ay hindi rin tumulong sa kampanya ng partilist group noong nakaraang eleksyon bukod pa sa kanyang pagiging US citizen.

Ipinalit sa kanya bilang second nominee si Christine Napoles, presidente ng OFWFCP national capital region chapter. Tumanggi si Roy Seneres Jr. sa naturang puwesto dahil baka sabihin ng tao na lumilikha silang mag-a­ma (Roy Seneres Sr.) ng dynasty sa partylist group. Si Roy Seneres Sr. na siyang first nominee ay dating  sugo ng Pilipinas sa United Arab Emirates at chairman ng National Labor relations Commission. Naging kolumnista rin natin si Amba at ang kanyang kolum na lumalabas tuwing linggo ay may pamagat na Amba’s Brief.

Ayon umano sa mga dokumentong nakuha ng OFWFCP sa Bureau of Immigration, mula 2002 hanggang 2009, US passport ang gamit ni Revilla sa paglalakbay. Nauna na palang tinawagan ng pansin ni Seneres Sr. si Revilla na bitiwan ang US citizenship sa pamamagitan ng isang memo pero ni hindi sumagot si Revilla.

Ni hindi man lang daw nakatulong ni katiting si Revilla sa pangangampanya noong nakaraang eleksyon.

Anyway, panalo naman ang naturang partylist group dahil tumabo ito ng malaking boto na nagbigay dito ng karapatang makakuha ng dalawang upuan sa Kongreso. 2009, US passport ang gamit ni Revilla sa pagla-lakbay. Nauna na palang tinawagan ng pansin ni Seneres Sr. si Revilla na bitiwan ang US citizenship sa pamamagitan ng isang memo pero ni hindi sumagot si Revilla.

Ni hindi man lang daw nakatulong ni katiting si Revilla sa pangangampanya noong nakaraang eleksyon.

Anyway, panalo naman ang naturang partylist group dahil tumabo ito ng malaking boto na nagbigay dito ng karapatang makakuha ng dalawang upuan sa Kongreso.

Show comments