KALMADO na ang mga supporter ng mga nanalo at natalong kandidato sa iba’t-ibang places ng Phlippines my Philippines kaya tiyak natin na pera na este mali trabaho na ang pagkakaabalahan nila ngayon.
Tinatawagan natin ang mga alkalde sa Metro-Manila na kung puede ay lansagin na nila ang mga nagkalat na pedicab, tricycle at kuliglig na nakikipag-agawan ng linya at pasingit-singit sa mga pangunahing lansangan.
Ang mga pedicab at kuliglig ay nagkalat sa Maynila at hindi lamang ito nagtayo pa sila ng sarili nilang ‘terÂminal’ para mag-abang ng mga passenger sa mga pangunahing kalsada partikular sa may kanto ng Earnshaw St., at Legarda malaking abala hindi lamang sa mga motorista ang pinaggagawa ng mga ito kundi maging sa mga naglalakad na madlang people dahil salasalabat silang nakahambalang sa kalye gayundi sa may United Nation kanto ng Taft Avenue at dyan sa may tagiliran ng kuhaan ng NBI clearance malapit sa casino ay naghambalan ang mga ito.
‘Ano kaya ang ginagawa ng LTO tungkol sa pagsulpot nito sa mga pangunahing lansangan hindi ba may regulasÂyon at alintuntunin sila na bawal ito.’
‘Ngayon siguro aaksyon na ang mga Alkalde sa problema ng mga pedicab, tricycle at kuliglig dahil binalewala ito ng mga traffic enforcer sa hindi malaman dahilan.’
‘Kung ang mga vendor at dambuhalang buses dyan sa Lawton ay uumpisahan ng tanggilin mga di padyak pa kaya ang hindi malinis?’
Abangan.
Monte King pinagtatawanan ang CIDG HQ
IPINAGYAYABANG ni alyas Felipe, ang monte king sa La Trinidad. Benguet, na hindi siya kayang ipasara ni CIDG director Frank Uyami Jr., dahil malaki diumano ang padulas niya sa CIDG agents na may sakop ng kanyang montehan.?
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kaya pala hindi matigil ang operasyon ng montehan ni alyas Felipe dyan malapit sa may ringside broadway at sa may bake shop ay may padulas palang natatanggap ang mga bugok na PNP dito. Take note, CPNP Allan Purisima, Sir!
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, inireklamo na raw ito kay La Trinidad Mayor Abalos ng mga kababaihan dahil ang mga watot nila ay sugapa na sa montehan pero alaws diumano aksyon ang Alkalde?
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Humihingi ng tulong ang mga kababaihan sa mga kuwago ng ORA MISMO, para makarating sa kaalaman ni CIDG director Frank Jr., ang matinding sugalan sa kanilang lugar at gisingin nito ang kanyang mga tauhan na nagtutulog-tulugan at nagpapalaki ng bayag sa kahihintay ng ‘tara’ mula kay alyas Felipe para matigil na rin ang masamang bisyo ng kanilang mga manunugal na watot.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, tuwang - tuwa ang mga gagong personeros ni alyas Felipe kapag nasa dyaryo ang kanilang kamoteng amo at lugar ng pasugalan dahil sumisikat lamang sila at lalong dinarayo ng mga manunugal ng monte lalo na ang mga taga ibang lugar,
Sabi nga, libre publicity!
Abangan.