DAHIL sa tangkang pagpapakamatay ni Cagayan de Oro Rep. Benjamin Benaldo sa loob ng kanyang opisina, gustong pag-aralan ng Sergeant-at-Arms ng Batasan Pambansa ang mga patakaran ng seguridad para sa mga kongresista. Lahat ng taong pumapasok sa Batasan – empleyado, opisyal, bodyguard at bisita ay dumadaan sa x-ray scanner at kinakapkapan, dahil bawal ang magdala ng anumang armas sa loob ng Batasan. Matagal na raw patakaran iyon. Pero bilang paggalang daw sa mga kongÂresista, hindi sila pinadadaan sa x-ray scanner at hindi rin sila kinakapkapan. Inaasahan na lang daw nila ang pagiging responsable at marangal ng mga kongresista. Ang gustong baguhin ay ipadaan na ang lahat ng tao, pati mga kongresista, sa x-ray scanner. Pero kapag tumunog lang ang scanner habang dumadaan ang kongresista, saka pa lang daw kakapkapan, bilang paggalang.
Ang sa akin lang, kapag may mga patakarang mahalaga sa seguridad ng isang lugar, kailangan ay dumaan ang lahat, walang exception. Katulad niyan, dahil may paggalang na ibinibigay sa mga kongresista, may nakalusot na baril. Nakapagpasok si Benaldo ng baril at binaril ang sarili. Siya lang kaya ang nagpapasok ng baril sa Batasan? May balita pa na ang lisensiya ng baril ay higit isang taon nang expired. Hindi pa alam ng PNP kung kakasuhan ang kongresista, na ngayon ay nasa St. Luke’s Medical Center.
Mahirap talaga kapag may binibigyan ng “paggalang†sa mga patakaran at proseso ng seguridad. Halimbawa sa mga mall. Paano pala kung binigyan ng “paggalang†ang isang tao at hindi na kinapkapan at pinapasok sa mall. Madalas nangyayari iyan. Tila sinusukat, o minamata pa nga, ng mga guwardiya ang mga pumapasok. Kapag mukhang “okayâ€, hindi na kakapkapan. Pero siya pala ang may dalang baril at naÂmaril sa loob. Siya pala ang may dalang granada at hinagis sa loob ng sinehan.
Kapag may patakaran, sundin ng lahat. Lalo na sa isyu ng seguridad. Maging sa mall, gusali, banko, eroplano, barko, kainan, sinehan at Batasan. Siguro naman kapag nasa loob na ng Batasan ay puwedeng sabihin na ligtas sila sa anumang peligro mula sa kalaban. Ito kasi ang dinadahilan ng iba kung bakit sila armado kahit saan, pati sa loob ng Batasan. Pero kung may mga armadong bodyguard naman na nagbabantay sa labas, hindi ba’t sapat na proteksyon na iyon? At kung hindi armado ang lahat ng tao sa loob ng Batasan, anong takot nila?
Responsable at marangal, di ba?