‘Wanted Carandang’

MATENSYON ang ginawang pag-aresto sa umano’y isang wanted sa Muntinlupa City.

Sa bisa ng warrant of arrest sa wanted, ipinag-utos na ng hukuman na pagsilbihan ng suspek ang kanyang sentensya sa National Bilibid Prison. Labing pitong taong pagkakakulong ang hatol ng hukuman na nakasaad sa arrest warrant na inisyu ng korte.

Bukod pa rito ang kasong Robbery with Violence or Intimidation of Persons at Frustrated Homicide na may mga piyansang P124,000.

Ang isinagawang pag-aresto noong Mayo 29, Miyerkules, pasado alas diyes ng gabi, naidokumento ng BITAG kasama ang Regional Police Intelligence Ope-ratives Unit.

Subalit ang pag-arestong ito, kinondena mismo ng taong inaresto! Buwelta ni Danilo Carandang, kapangalan lang daw niya ang suspek na nakasaad sa arrest warrant.

Mayo 30, Huwebes, personal na kinapanayam ng BITAG si Danilo Carandang sa tanggapan ng RPIOU. Nagrereklamong hindi raw siya ‘yung wanted na ipinatutugis ng korte.

Inirereklamo ngayon ni Danilo Carandang ang RPIOU at BITAG sa proseso ng ginawang pag-aresto sa kanya at nagbantang magsasampa siya ng demanda.

Abangan ang buong detalye mamaya sa BITAG Live! 10:00-11:00 ng umaga sa  Radyo Singko 92.3 News FM at Channel 41 Aksyon TV.

* * *

Maaari rin kayong mag-log in sa BITAG Channel sa www.bitagtheoriginal.com. para sa iba pang mga detalye!

 

Show comments