Isa ako sa tagasubaybay ng column na Sapol ni Jarius Bondoc. Bawat isyung tinatalakay niya ay aking nasusubaybayan lalo na ang mga isyung may kinalaman sa pamamahala at katiwalian sa pamahalaan. Sa ganang akin lang naman hindi kaya ang mga nasa mataas na katungkulan lamang ang may gustong ituwid ang daan? Ibig kong sabihin paano naman ang nasa mababang lebel sa pamahalaan lalo ang mga empleyado ng ahensya ng gobyerno na hindi nabibigyan ng pansin ng nakatataas para ituwid ang kanilang pagsisilbi sa bayan? Ang korupsyon at panglalamang sa kapwa nagsisimula sa maliliit na sangay ng ahensya ng gobyerno simula sa isang unit, patungo sa dibisyon, papuntang departamento hanggang sa mismong namumuno sa ahensya.
Noong nakaraang Abril, nabasa ko sa Sapol ang isinulat ng mambabasa ukol sa isang ahensya ng gobyerno na tinanong daw siya kung ano ang pakay at bakit siya naroon sa tanggapan na iyon. Naturalmente na ahensya sila ng gobyerno at ang mga publiko ay pupunta sa kanila para sa kanilang dokumento. Kung talagang totoo at malinis na serbisyo ang hangad ng bawat ahensya ng gobyerno simulan nitong siyasatin ang mga nangyayari sa loob nila lalo sa kanilang mga manggagawa na gumagawa ng milagro at pagkakaperahan na napapabayaan na nila ang kanilang regular work load at ang ginagawa na lamang ay ang yung mga trabahong may extrang bayad na kung tawagin ay “salary allowanceâ€.
Hindi ko lang alam kung ang mga nakatataas sa pamahalaan ay aware sa ganitong sistema. Ang salary allowance ay isang uri ng benepisyong ibinibigay ng isang namumuno sa dibisyon sa mga taong gumawa ng special projects. Subalit kung titingnan natin walang masama sa ganitong kalakaran, ang nakasasama nga lang ay dito nagsisimula ang panglalamang sa kapwa. Halimbawa, isang empleyado ang nautusang gawin ang
isang special projects subaÂlit pagnagkabigayan na ng salary allowance, ang empleyadong nagpakahirap ang hindi makakatanggap at mga empleyadong hindi naman gumawa ay nasa payroll ng salary allowances. Napapabayaan na rin ang regular workload dahil ang special projects ay ginagawa sa regular working hours na ang output ng regular workload ay tiyak na apektado.
Kung tuwid na daan ang talagang gustong tahakin ng gobyerno kailangang linisin muna ang sistema sa loob ng ahensya bago nito bigyang pansin ang mga panlabas lamang. — ZHAN JHOE BAQUIRIN, baqui-rinzhanjhoe@yahoo.com