Mga lider noon

Mga leader noon nitong ating bansa

Pag-ibig sa bayan ay lubhang dakila;

Katapatan nila’y katiwa-tiwala

Sila’y may prinsipyo’t tapat na adhika!

 

Subali’t sa ngayon sila ay pagmasdan

Mga ginagawa’y pansarili lamang;

Adhika nang leaders saan mo man tingnan

Hangad ay salapi at nagpapayaman!

 

Kabataan noo’y magandang mangarap

Hindi tulad ngayon na pawang pasarap;

Sila’y gumagawa ng hangaring huwad –

Magulang, kapatid ay pinapahamak!

 

Bakit nga sa mundo ay nagkalat ngayon

Mga taong bugok – masama ang layon?

Mayama’t mahirap masama ang misyon

Masamang mag-isip at ang puso’y maton?

Show comments