INAANYAYAHAN ni Very Worshipful Biyong Garing, past DDGM NCR - E at past Master ng Laon-Laan Lodge 185, ang lahat ng Brethren na dumalo sa May 27, 2013, sa ganap na alas - 3 pm para sa Rite of Institution ng Muntinlupa City Lodge UD, sa Muntinlupa City Masonic Temple. Emerald Hills, Victoria Homes Tunasan ng nasabing Lungsod.
Sina Most Worshipful Juanito Espino Jr., Grand Master of Free and Accepted Mason of the Philippines, ang siyang instituting officer.
Sabi ni VW Biyong, ang attire sa mga Charter member ay Pina o Jusi barong Pilipino, sa mga visiting Brethren masonic attire at sa mga bisita smart casual lamang.
Ibinida ni VW Biyong, na huwag na hindi pupunta ang mga brethren sa nasabing occassion dahil sangkaterba ang tsibugan at hindi basta pagkain.
Ika nga, special!
Si Toni Dumlao ng D’ Ace Seahawks
PINAHANGA tayo ni Toni Dumlao, ang 6 years old na batang babae na kumopo ng apat na gintong medalya sa lahat ng individual swimming events na sinalihan nito tulad ng backstroke, butterfly, breastroke, feestyle at 3 relays.
Pinarangalan ito ng most outstanding swimmer sa 6 year old division samantala ang D’ Ace Seahawks team nito ang overall champion.
Si Toni ay anak nina Worshiful Master Fiscal Rey Dumlao ng Laon-Laan Lodge 185 at Pasig RTC Judge Joy Dumlao.
Ayon sa mga nakakakilala kay Toni kung ipagpapatuloy ng bata ang kanyang hilig ay baka tanghalin itong kampeon sa mga darating na panahon.
Abangan.
Nakakagulat ba?
NAGTATAKA ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dahil ikinagulat daw ni Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz ang paglobo ng bilang ng mga ‘millionaire’ Senators at mga Kongresista sa Philippines my Philippines.
Ano ang problema kung milyonaryo ang iba sa mga kongresista at Senador masama ba ito o bawal sa batas ng simbahan?
Basta ang importante hindi sila nagnakaw sa gobierno?
Marami raw kasi madlang pinoy ang nagugutom at may 3.9 million na sila.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, takang-taka raw ang pari kung paano sila naging millionaire at saan nila kinuha ang kanilang rich dahil kung tutuusin ay P420,000 lamang ang sahod ng mga ito sa gobierno.
Sabi pa ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, bilang public servant, dapat ilalaan nito ang kanyang oras, panahon at yaman sa paglilingkod sa madlang people at lalo na sa mga mahihirap.
‘Wala naman pumapalaot sa politics ng alaws pera o hindi nakahanda ang bulsa dahil sugal ito?’ sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
‘Kaya nga may ibang pulitiko ang disgusto kapag na-olat dahil sa mga ginastos nila.’ Hehehe.
Korek ka dyan!