ANG pagbenta o pagsangla ng isang asawa ng mga ari-arian nilang dalawa ay kailangang may pahintulot ng asawa niya. Kung ang asawa niya’y walang kakayahan kaila-ngang may awtoridad ng Korte. Kapag wala nito, walang bisa ang bentahan o sanglaan. Ito ang panuntunang ginamit sa kasong ito. Pinakita rin dito na kung ang pagkilos ng isang tao ay di makatarungan, hindi totoo o kaya’y walang malinis na hangarin, siya’y mananagot ng danyos.
Ito ay kaso ng mag-asawang Paul at Vicky na may apat na anak. Bago pa man sila ikinasal, pag-aari na ni Paul ang isang lote (Lot 8-TCT No. 26471) na nakarehistro sa kanya. Noong 1982 binili nila ang katapat na lupa (Lot 7-TCT No. 88674) na may sukat 555 square meters. Nagpatayo sila ng bahay sa nasabing lote hango sa naipundar nilang pera at perang inutang sa banko.
Noong 1991 nagkaroon ng lamat ang kanilang relasyon. Nagkaroon ng kalaguyo si Paul at pinabayaan ang kanyang pamilya. Dahil dito, napilitan si Vicky na ibenta o isangla ang mga ibang gamit nila upang matustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya at pag-aaral ng mga anak nila. Sa kabilang banda, inalok ni Paul sa mag-asawang Willy at Pat ang dalawang lote at ang bahay na nakatayo rito na hindi ikinukunsulta kay Vicky. Nang malaman ito ni Vicky, tinutulan niya ito.
Ngunit ipinagbili pa rin ni Paul ang lupa kahit tutol si Vicky. Noong June 21, 1991 gumawa si Paul ng Deed of Absolute Sale pabor kina Willy at Pat kahit walang pahintulot ni Vicky at walang pirma sa nakalagda niyang pangalan. Sa sabwatan ni Paul kina Willy at Pat, nailipat nila ang mga kagamitan ni Vicky at nang mga bata sa isang apartment habang wala ang mga ito sa bahay. At nang makauwi si Vicky kasama ang kanyang anak na babae, hinarang sila sa may gate. Naghintay sila hanggang gabi kahit na umuulan. Humingi sila ng tulong sa pulis ngunit hindi sila tinulungan nito dahil ito raw ay problema ng pamilya.
Bunsod ng pangyaya-ring ito, nagsampa si Vicky at mga anak niya ng kaso sa Regional Trial Court laban kina Paul, Willy at Pat upang ipawalang bisa ang benta-han, ibalik sa kanila ang bahay at lupa at bayaran sila ng danyos at attorney’s fees. Sinabi niya na ang pagbenta ng Lot 7 at ng bahay na nakatayo rito ay conjugal property nila ni Paul, kaya ito’y walang bisa sapagka’t wala siyang pahintulot niya. Sinabi rin ni Vicky na may karapatan silang maningil ng danyos dahil sa paraan ng pagpapaalis sa kanila sa sariling bahay. Tama ba si Vicky?
TAMA. Ang Lot 7-TCT No. 88674 ay nabili nila noong 1982 habang sila’y kasal pa ni Paul kaya ito’y bahagi ng kanilang conjugal property. Kahit ang bahay na nakatayo rito ay pinagtulungan nilang dalawang ipatayo at umutang pa sila sa banko para magawa lamang ito. Sa ilalim ng Article 124 ng Family Code na nagkabisa noong August 3, 1998, ang bentahan noong June 21, 1991 ay walang bisa dahil walang pahintulot ng mag-asawa.
Maaari ring kondenahin ang paraan ng pagpapaalis kay Vicky at sa kanyang mga anak sa baÂhay niÂla. Habang wala sila sa baÂÂhay, sa paÂÂÂkiÂÂÂkipagÂsabÂÂwatan ni Paul kay Willy at Pat, tinanggal nila ang mga gamit nina Vicky at inilipat sa ibang lugar. Pagkatapos ay hindi sila pinayagang pumasok sa sarili nilang bahay kahit pa sila’y nagsumamo. Kaya nararapat lamang na bayaran sila ng danyos. SiÂnumang tao na gumawa ng mali at pananakit sa iba na labag sa moralidad, karapatan at patakarang pampubliko ay naÂrarapat mag bayad ng danyos dahil sa kapinsalaang nagawa nito.
Kaya ang bentahan ng Lot 7 at ng bahay na nakatayo rito ay walang bisa. Dapat ibalik ni Paul ang perang ibinayad sa kanya nila Willy at Pat. Dapat isaÂuli nina Willy at Pat ang pag-aari ng lote at bahay kay Vicky at Paul. Nararapat bayaran nina Willy, Pat at Paul si Vicky ng P100,000 at P50,000 bawa’t isang anak ni Vicky bilang danyos at P10,000 bilang exemplary damages (Ravina vs. Villa Abrille, G.R. No. 160708, October 16, 2009.