KABUUANG 52 milyong Pilipino ang inaasahang dadagsa sa mga presinto ngayon para bumoto sa midterm elections para italaga ang mga local na opisyal at mga mambabatas.
Tanong ng barbero kong si Mang Gustin: “Matalino na kaya tayong mga Pilipino para pumili ng mga karapat-dapat na opisyal na uugit sa ating pamahalaan?†Sagot ko, that remains to be proven. Makikita rin natin iyan sa paglipas ng mga araw matapos ang halalan. Ang hirap, kapag lumitaw na “bugok†ang taong ibinoto natin, huli na ang lahat. Maghihintay na naman tayo sa susunod na eleksyon. Kaya kailangan talagang seryosohin ang eleksyong ito at bumoto tayo ng may talino.
Kung ang mga ibinotong opisyal sa Senado, Mababang Kapulungan o local na pamahalaan ay tiwali pa rin at magnanakaw huwag na tayong umangal. Tumigil na tayo sa kababatikos dahil tayo mismo ang nagluklok sa mga taong iyan.
Sa naobserbahan kong proseso ng pangangampanya, tingin ko’y di pa rin tayo nakakalag sa kultura ng tatlong “gâ€: Guns, goons and golds. Sa nakalipas na mga araw, bumulaga sa atin ang mga balita tungkol sa pagpatay sa mga kandidato o kanilang supporters, pamimili ng mga balota o paggamit sa mass media para sirain ang reputasyon ng mga katunggaling kandidato. Maruming politika pa rin ang umiiral.
Kung magtatagumpay ang ganitong luma at bulok na sistema, nasasa-ating mga botante na iyon. Kung tayo’y nakarating na sa mataas na antas ng political maturity, hindi tayo magbebenta ng boto. Di ko puwedeng iendorso ang payo ng iba na tanggapin ang bayad at iboto ang talagang gusto dahil katiwalian pa rin iyan.
Basta’t isipin natin na ang eleksyon ay paghahanda sa kinabukasan ng ating bansa para sa kapakanan ng ating mga anak at susunod pang salinlahi. Kung hindi tayo magiging politically mature, ang mismong winawasak natin ay ang kinabukasan ng ating mga anak na maaaring tuluyan nang mawalan ng oportunidad sa edukasyon at mabuting kabuhayan.
Tatlong katangian lang ang dapat ikonsidera sa pagpili ng mga dapat iluklok: Maka-Diyos, may kakayahan at mabuting layunin sa bayan.