ALAM n’yo bang may ilang justices pa rin sa Judiciary ang sumisira sa kanilang magandang imahe?
Ayon sa aking bubwit, tama ang sinasabi noon ni daÂting President Erap Estrada na merong mga “hoodlums in robes.†Parang sa hanay din ng pulisya at militar, mas marami ang mga matitino pero meron ding mga bugok na itlog.
Ang malungkot lamang dito, ang mga inaasahan nating matitino ay kinain na rin ng tiwaling sistema. Mukhang hindi pa rin tinatahak ang “tuwid na daan†ng administrasyong Aquino.
Ngayong nasa Korte Suprema na at Chief Justice pa ngayon ang isang appointee ni President Noynoy Aquino, meron pa ring anomalya at mga kaduda-dudang nangyayari sa ating hudikatura.
Ang pinakahuling kontrobersiyang nangyari ay ang isyu ng mayoralty case sa Imus City, Cavite. Kahit siguro hindi nag-aral ng abogasya ang isang tao, halata namang nagkaroon ng milagro sa nasabing kaso.
Mantakin ninyo, unang desisyon ng Supreme Court ay panalo pala si Mayor Homer Saquilayan. Pero makalipas lamang ang ilang araw, biglang magbago ang desisyon nila. Wow mali, ang nanalo pala ay si Mayor Manny Maliksi.
Ayon pa sa aking bubwit, ang malupit ngayon ay ang ginagawa ng ilang lady justices. Kung noon ay pera-pera ang usapan para makakuha ng paborableng desisyon ang isang kliyente, ang kapalit ngayon ay mga diamante.
At take note Mrs. Panlilio, ang especial request ay mga “uncut diamonds†na galing pa sa Hong Kong o Singapore.
Sino ang mga may request nito? Abangan ang susunod na kabanata.