Suporta para kay RJ para lalong umunlad ang Caloocan City

GUSTO ni Liga ng mga Barangay President Councilor Roco Judge ‘RJ’ Echiverri na maging tuluy-tuloy ang pag-unlad ng Caloocan City dahil ito ang kanyang pangunahing layunin kaya siya tumatakbo bilang Alkalde ng Caloocan City.

Si RJ ay anak nina incumbent city Mayor Enrico  at Purificacion Echiverri  ay maituturing na isa sa mahusay na abogado sa Philippines my Philippines dahil  sa Ateneo De Manila Law School ito nag-graduate.

Hindi muna siya kumuha ng Bar examination dahil abala ito sa pangangampanya.

 Si RJ, 36 years old, bilang Presidente ng mga Punong Barangay sa Philippines my Phlippines ay nagpasyang  kumandidatong mayor ng Caloocan City sa ilalim ng partido Liberal ni P. Noy.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ilan lamang sa mga programa ni RJ sa madlang people ng Caloocan City ay ang paninindigan sa prinsipyo na ang de kalidad na edukasyon na abot-kamay ng masa.

Naku ha!

Maganda ito at mapalad ang mga taga - Caloocan kapag nagkataon.

Hangad din nya na lalo pang makilala ang lungsod bilang isang malinis, payapa at maayos at mapanatiling laging handa ang mga komunidad sa kahit anumang sakuna para sa kapakanan ng madlang people.

 Itutulak ni RJ, ang programang pangkalusugan sa pamamagitan ng pagtatayo ng  Ospital ng Caloocan sa North Caloocan City, paglalagay ng mga makabagong medical equipments sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center, kasama na rin ang  mga health centers.

Sabi nga, laking ginhawa ito!

Ayon kay RJ, balak na rin magpapatayo ng mga karagdagang mga paaralan, class rooms, mga day care center. Kasi nauunawan niya na mahal at magastos natin ang pagpapa-aral at napakahalaga ng edukasyon.

 Ipatutupad ni RJ ang very efficient governance, saan dapat aniya ang matibay na pakikipag-ugnayan sa ibat-ibang sektor  ng lipunan sa pamamagitan ng epektibong pamamalakad ng gobyerno para sa masa.

 Isasagawa  ni RJ,  ang livelihood program at alternative learning center para sa mga out of school youth at stay-at home mothers,

Sabi ni RJ, kapag pinalad siya sa Mayo 13, gagawin natin na revitalized city ang Caloocan at maglalagay pa ako  ng mga CCTV sa bawat kalsada  at libreng WIFI at internet sa bawat barangay at paaralan.

Naka-programa rin kay Mayor este mali RJ pala na ga­wing investment friendly city ang Caloocan sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga call centers  at pagbibigay  halaga sa livelihood training at technical assistance para sa Small and Medium Enterprises o sa maliliit na negosyante.

 â€œHindi ko ito kayang gawing mag-isa at kailangang ko ang inyong suporta. Magsama-sama po tayo sa patuloy na progresong tinatamasa ngayon ng Caloocan City,” sabi ni RJ.

Si Marvin Joseph ‘MJ’ Munar Mariano

TUMATAKBONG konsehal si MJ, dyan sa San Felipe, Zambales, ngayon eleksyon kaya naman umaasa siya sa kanyang mga kababayan na hindi siya pababayaan ngayon May 13, 2013 election.

Si MJ, ang panganay na anak nina SB Secretary Diana Munar ng San Felipe at Engineer Christopher Liwag Mariano ng Cabanatuan City.

Kapag pinalad si MJ na manalo bilang konsehal ng probinsiya balak niyang gumawa ng isang Sports Clinic sa kanilang lugar na tutulong sa mga batang manlalaro na mahilig sa basketball, swimming at iba pang sports para maging ‘potential’ sila sa larangan ng palakasan at mailayo ang mga ito sa mga masasamang bisyo.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, huwag kalimutan si MJ na iboto sa nalalapit na eleksyon ngayon Mayo 13.

Show comments