KUNG nakatakas ang magkapatid na Tsarnaev, mga hinihinalang nasa likod ng Boston Marathon bombing, plano pala nilang magtungo sa New York at doon ay magsaÂgawa rin ng pambobomba. Sa Times Square nila planong maglagay ng bomba dahil mara-ming tao ang dumadaan sa nasabing lugar. Inamin ito ng nahuling si Dzhokhar Tsarnaev. Plano raw nilang paluhurin ang Amerika sa takot, sakaling natuloy ang pagbomba sa Times Square.
At pinili nila ang tamang lugar para gawin ito. Nasa New York ang Wall Street, ang pinansiyal na kapital ng buong mundo, at ang headquarters ng United Nations. Kapag may te-rorismong naganap sa New York, siguradong apektado ang stock market, katulad noong 9/11. Ang turismo ay babagsak, dahil sa takot na magtuÂngo sa siyudad, at matatanim na naman ang takot at pangamba sa mamamayan ng siyuÂdad, at ng bansa. Sa to too lang, tila nagawa na rin nila ang magtanim ng takot, nang aminin na tarÂget pala ang New York ng magkapatid. Mahigpit na naman ang seguridad sa mga subway, istasyon ng bus at tren, at sa mga paliparan.
Walang duda na may nagtanim ng ganitong pag-iisip sa magkapatid na Tsarnaev, kahit sila’y dating kilalang mababait. Binago ang kanilang pananaw at ideolohiya, para magawa nila ang nagawa sa Boston, at planong gawin sa New York. Dapat madakip ang mga nagtanim ng puno ng terorismo sa isip nila na siguradong marami pang inaalaÂgaan sa Amerika. Madaling ga-wing panatiko ang mga katulad nina Tsarnaev, na may kasaysayan ng paghihirap at pagmamalupit sa kanila. Hindi pa nga nakasisiguro kung silang dalawa lamang ang nasa likod ng Boston Marathon bombing.
Paboritong target ng mga terorista ang New York, dahil simbolo ito ng Amerika. Pati sa mga sine, madalas ay New York ang target ng terorista, o kaya’y matinding kalamidad ka-tulad ng Armageddon, Independence Day, The Day After Tomorrow at marami pa. Mabuti na lang at hindi inuna ng magkapatid na Tsarnaev ang New York dahil siguradong marami ang napinsala rito. Mabuti na lang at natapos ang paghahasik nila ng lagim sa Boston.