BIGO ang Bureau of Customs na maabot ang target na revenues ngayong 2013. Walang pagbabago. Walang maipakitang maganda. Isang dahilan kaya mahina ang collection ay dahil sa talamak na smuggling. Grabe ang smuggling sa maraming seaport ng bansa. Noong nakaraang linggo, sandamukal na bigas mula Vietnam ang nasabat. Kung kani-kanino nakapangalan ang shipment. Bago ang rice smuggling, nabunyag ang oil smuggling na bilyong piso umano ang nalugi sa gobyerno dahil sa hindi pagbabayad ng buwis.
Dahil sa talamak na smuggling, pawang batikos ang inaabot ni Customs Commissioner Ruffy BiaÂzon. May nagsabing dapat na siyang magbitiw sa puwesto. Pero nananatili naman ang kumpiyansa ni President Aquino kay Biazon.
Naiinip ang taumbayan sa mabagal na pagkilos ng Customs chief kung paano susolusyunan ang smuggling at ang katiwalian sa tanggapan. Habang ang ibang tanggapan ng pamahalaan ay pinipilit linisin ang kanilang hanay, sa Customs ay walang nakikitang pagbabago. Kaya maski ang Presidente, nang tanungin ukol sa mga nangyayaring smuggling, sinabi nito na kailangang magkaroon ng “house cleaning†si Biazon. Nagpapatunay lamang na maski ang Presidente ay naniniwalang “marumi†at batbat ng corruption ang Customs. Pero sa kabila niyon, nagtitiwala siya kay Biazon.
Ilang linggo na ang nakararaan, pinanukala ni Bia- zon na buwagin ang Customs para raw mapigilan ang smuggling. Taasan din daw ang suweldo ng mga empleado para hindi matukso na gumawa ng katiwalian. Maraming bumatikos kay Biazon sa tila “katawa-tawang†panukala. Bakit daw naisip ito ni Biazon.
Noong nakaraang linggo, sinabi naman ni Biazon na kailangang mag-reshuffle ng mga personnel sa port para maiwasan ang smuggling. Kung magkakaroon ng pagpapalit-palit ng assignments sa port, maiiwasan na raw ang katiwalian.
Okey ang panukalang ito at dapat na niyang simulan. Dapat nga, noon pa niya ito ginawa para nakalikom nang malaking buwis ang pamahalaan. Walang ibang makareresolba sa problemang smuggling kundi ang aksiyon ni Biazon. Kailangang kumilos siya nang masinsinan.