HAPPY si Caloocan City Mayor Enrico “Recom†Echiverri, matapos sabihin ni DBM Secretary Butch Abad na ititigil nila ang pagpapalabas ng pondo ng mga mambabatas regarding sa pork barrel.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagsalita si Abad, na dehins magpapalabas ang kanyang office ng disbursement ngayon election dahil sinusunod nila ang Omnibus Election Code dahil from March 29 up to Mayo 13 ay ipinagbabawal sa batas na magpalabas ng mga disbursement mula sa mga funding ng mga Kongresista kahit na ano mang proyekto nito hanggang hindi pa tapos ang election time.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang pagsasalita ni Abad ay tungkol paggamit ng sinasabing pork barrel ni Caloocan Congressman Malapitan mula sa PDAF na nasa DSWD para gamitin nito sa pamimigay ng financial assistance kapalit ng daw boto para sa kanya dahil mayorality aspirant ito.
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MIS,MO, last time ay kinatigan ni Caloocan City Regional Trial Court Judge Dionesio Sison ng Branch 125, ang inihaing petition for Temporary Restraining Order ni Mayor Echiverri at National Liga ng Barangay President Rico Judge “RJ†Echiverri na ipatigil ang pagbibigay nito ng kanyang pondo mula sa medical assistance fund na nasa DSWD.
Hindi pa dito natapos ang usapin dahil naghain ng kaso sa Ombudsman ang mga residente diyan sa Bagong Barrio versus Rep. Oscar Malapitan.
Sa salaysay ng mga nag-reklamo nagpunta sa kanilang mga haybol ang sinasabing staff ni Malapitan na nag-alok ng tulong sa pamamagitan ng P3,000 na magmumula sa DSWD at kinuha ang pangalan ng mga ito kapalit ng pag-isyu ng tseke na ipapalit sa DSWD-Batasan.
Ang sinasabing P2,600 ay bahagi ng perang nakuha ng mga nagrereklamo sa DSWD-Batasan at tanging P400 lamang ang napunta sa mga complainant at upang hindi na maulit pa ang ginawa ng kampo ni Malapitan ay nagdesisyon ang mga ito na magreklamo.
Abangan.