“PINALO niya ang ulo ng asawa ko ng takure, pumutok ito at sumirit ang dugo. Palibhasa ayaw nilang kasama namin si Tatay at Nanay… eh wala naman silang pagmamahal,†wika ni ‘Angie’.
Ang pagpisan ng mag-asawang Angelina o Angie at Daniel ‘JanJan’ Dela Cruz sa inang si Monica o “Noneng†ang ugat daw ng matinding alitan magkakapatid na Dela Cruz. Tubong Bulacan ang ama ng mga Dela Cruz na si Servillano o “Atoâ€, isang mangingisda. Ang asawa naman niyang si Noneng ay laking Montalban, Rizal.
Pareho ng eskwelahan si Angie at JanJan. Bago grumaduate ng hayskul naging sila. Nanatili sa Bulacan si Angie at nagkolehiyo. Lumawas ng Maynila si JanJan. Nagtapos ng kursong Dental Technician sa National University. Pagbalik ng Bulacan nagpaÂkasal sila agad. Tumuloy sila sa mga Dela Cruz sa Montalban.
Ilang linggo lang ang tinagal nila dun. Sa bahay ng ina ni Angie sa Bulacan sila namalagi. Dito sila nakapagtayo ng bahay. Nagkaroon sila ng dalawang anak. Taong 2005, nagdesisyon silang pag-aralin ang bunsong anak sa Montalban.
Tumira sila sa bahay nila JanJan. Lima ang paupahan nila ng panahon iyon. Tumuloy sina Angie sa bahay mismo ng biyenan. Kasama nila sa compound ang ate ni JanJan na si Criselda “Edna†Perio.
May trabaho lahat ang magkakapatid na Dela Cruz. Ang kapatid na si Maria nasa Australia. Sila naman ni JanJan ang nag-alaga kina Noneng.
Madalas daw pag-awayan ng magkakapatid na Edna at JanJan ang renta ng paupahan. Pati pinapadalang pera ni Maria. Iniisip daw ni Edna at ng asawa nitong si ‘Nomer’ na nagpapakasasa sila sa perang ito… na ‘di naman daw totoo.
“Php5,000 kada buwan lang iyon…konting halaga lang. Php1,000 bayad sa tubig at Php2,000 sa kuryente. Ang tira pangkain,†ani Angie.
Unang taon nila sa Montalban, nagkasagutan na sina Nomer at JanJan. Nagpang-abot at nauwi na ang isa putok ang ulo at tagas ang dugo, “Nagsapakan sila, may hawak palang takureng may laman itong si Nomer, sabay niyang hampas sa ulo ni JanJan,†kuwento ni Angie.
Wala nun ang mga magulang ni JanJan. Wala rin silang kapera-pera kaya si Angie na lang ang gumamot sa ulo ng mister.
Nagsumbong siya sa biyenan subalit tikom-bibig daw ito.
Ika-15 ng Enero 2012, namatay si Ato sa edad ng 84 anyos. Dito lumala ang pag-aaway nila JanJan at Edna. Pati si Angie naÂdamay. Kuwento ni Angie, limang buwan makalipas, nagtaka na ang asawa nitong si Noneng kung bakit wala pa siyang natatangap na death benefits galing SSS gayung siya ang ‘beneficiary’.
Nagpasama si Noneng kay Angie na berepikahin ang death claims sa SSS-San Mateo. Nagulat si Noneng ng malaman nakuha na raw ng anak na si Edna ang mga lump sum. Kinumpronta ng ina si Edna. Sa halip na magpaliwanag sumbong daw ni Noneng kay Angie sinabihan umano siya ng anak na, “Nanay, ‘wag mong pakialaman yan dahil yan ang gagastusin ko ‘pag namatay ka.â€
Nagalit si Edna kay Angie sa pagsama niya sa ina sa SSS.
Ika-23 ng Hunyo 2012, ganap na 7:00 AM, bigla na lang daw pumasok sa bahay nila Noneng si Edna. Hinahanap nito ang ina. Nang ‘di makita sa loob nagalit na lang ito at nagmumura umano, “P*7@#6 i#@ ninyo. Mga palamunin kayo! Yan na nga lang gagawin ninyo... bantayan si Nanay!â€
Mabilis na sumagot si Angie, “Nandyan lang si Nanay sa asawa ni diko Ellie….†Agad na pumunta si Edna kay Teresita Moreno, asawa ng kapatid.
Malaki raw ang galit ni Edna kay Teresita dahil minsan nakuÂwento nito sa munisipyo, kung saan nagtatrabaho si Edna na hinaÂhaÂyaan nila maglabada ang ina. “Siyempre may pangalan sila sa Munisipyo. Yung kambal niya tumatakbong konsehal… pakiramdam nila napapahiya sila sa tao,†ayon kay Angie.
Sinaway ni Edna ang ina, “Nay, Anong ginagawa niyo dyan?!â€
Naglalakad nun si JanJan sa pasilyo ng compound ng biglang pagsalitaan umano siya ni Edna ng “Wala kang kuwenta! Palamunin kayo! Bakit ninyo hinahayaang pumunta si Nanay dito?†Nagpanting ang tenga ni JanJan kaya sumagot na siya, “Wag mo kong pasasalitaan ng ganyan. Di ikaw ang nagpapakain sa amin. Pareho lang tayong anak dito!â€
Nakita ni Nomer ang sagutan. Sa halip daw na umawat, kumuha raw ito ng tubo at nag-amok, “Halika dito, lumapit ka! Papatayin kita!â€
Pinasok ni Angie ang asawa sa bahay sabay kandado ng pinto. Ayon sa kanya, kumuha si Nomer ng samurai at pilit pumapasok. Dumating ang isa pa nilang kapatid na si ‘Nick’ para umawat. Ayaw daw papigil ni Nomer kundi pa sumaklolo ang pulis.
Natigil si Nomer, pinayuhan ng pulis si JanJan na magpa-blotter sa presinto subalit nagdesisyon silang magpabaranggay muna kinabukasan. Slander (Oral Defamation) at Grave Threats ang nireklamo ng mag-asawang Angie.
Nagkaroon ng tatlong paghaharap ang pamilya Dela Cruz suÂbalit walang nangyaring pag-aayos. Binigyan ng Certificate to File Action (CFA) ang magkabilang panig. Itutuloy dapat nila Angie ang reklamo sa Prosecutor’s Office subalit pinakiusap daw sila ng kapatid na si ‘Ligaya’ na ‘wag ng palakihin ito.
Para matigil ang gulo. Setyembre 2012, bumalik ng Bulacan sina Angie. Ang ‘di raw nila alam, Oktubre parehong taon nagsampa ng kasong Slander si Edna laban kay Angie at Grave Threats naman si Nomer laban kay JanJan.
Nasa MTC, Rodriguez Rizal na ito at naibaba na rin ang warrant laban sa kanila ng wala raw silang kaalam-alam.
PARA SA ISANG PATAS na pamamahayag, base sa salaysay ng mag-asawang Edna, Ika-23 ng Hunyo 2012, habang naglalaba silang mag-asawa sa loob ng bahay biglang nagsasalita itong si Angie ng “Makapal ang mukha mo! Magnanakaw! Hindi mo binibigay ang pera sa kapatid mo! Swindler! Corrupt ka!†Bumalik si Angie, kasama na ang asawa habang winawasiwas ang hawak na tubo sabay sabing “Sige, banatan mo! Kapag nakialam ang asawa niya, bibirahin ko! Huwag kang makikialam dito! Mamasamain ka nito! Sige, Titirahin kita nito!†– laman ng salaysay. Bagay na tinatanggi ng mag-asawang Angie. Giit nila, binaligtad sila. Ito ang dahilan ng pagpunta nila sa amin.
Itinampok namin sila CALVENTO FILES sa radyo. “Hustisya Para Sa Lahat†ng DWIZ882 KHZ (Lunes-Biyernes 3:00-4:00PM at Sabado 11:00-12:00NN).
SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, away pamilya kung tutuusin ang ugat ng gulong ito. Sa halip na magkasuhan bakit hindi magtulungan sa pag-aalaga sa inang 84 anyos na? Sigurado kong hindi masaya ang matanda na nakikita niyang nag-aaway ang kanyang mga anak. Umayos kayo… magkasundo at sa ganitong paraan hahaba pa ang buhay ng inyong ina. (KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL) Ang aming numero 09213263166 (Chen) / 09213784392 (Pauline) / 09198972854 (Monique). Landline 6387285 at 24/7 hotline 7104038. Address: 5th floor CityState Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig City.