Pasabong sa mga kasabong sa Mindoro Oriental

SA April 19, 2013, isang 3 - cock derby ang gaganapin diyan sa Victoria Cocpit Arena, sa Victoria Mindoro Oriental sa ganap na alas - 6 ng gabi si Atty. Biyong Garing, ang promoter ng sultada.

Sinabi ni Ka Biyong, price open, handler ay P10,000, gaffer P5,000, pot money ay P3,300 at ang minimum bet ay P3,300.

Bida ni Ka Biyong, ang submission of weights ay mula alas 6am up to 12 noon sa araw ng derby. Ang mga artificial colored cocks at vultures ay dehins papayagan.

Sa iba pang details tawagan si Ando sa 0948-821-2913, si Ariel 0948-3829 at Tata 0949-624-5142.

‘Ano pa ang hinihintay ninyo gayak na para sa derby.’

Letter of Josephine Villalon

NOONG April 11, 2013 (Huebes), nakatanggap ang mga kuwago ng ORA MISMO, ng email mula sa isang Josephine Villalon ng National Kidney and Transplant Institute diyan sa Kyusi para sa malayang pamamahayag at patas na pagbabalita ay bibigyan natin ng ‘space’ ang liham nito entoto.

Dear Sir,

Ako po si Josephine Villalon na binabanggit nyo sa inyong article sa Ora Mismo dated April 11, 2013.  Alam ko po na meron ang lahat ng kalayaan na ma-publish ng gusto nating ilathala.  Ang sa akin lang po ay gusto lang po sana na ibigay ang side ko. Hindi po ako nag-react sa unang dalawa na inilabas ninyo sa inyong article dated March 19 and 27, 2013 dahil wala pong pangalan na nakalagay.  

Ako po ay nag-start sa national kidney and transplant institute as nursing attendant but detailed at the nursing service office.  After a year po ay na-promote ako as Clerk III after passing the Civil Service Professional Exam. After a year po ay na-promote ulit ako as Administrative Assistant, then Medical Services Technician III. Bago po ako na-assign as Head of Central Supply and Sterilization Unit in 1993.  Hindi po dahil sa palakasan o sa kasipsipan kaya ako napunta sa ganung position. Dumaan po yun sa maraming screening like examination and interviews. In 2003, nag-open po ang Personnel Division namin ng opening for Supply Officer III at 5 po kaming nag-apply dun sa position na yun.  One of the applicants po ay si Mr. Victor De Vera.  Dumaan din po kami sa screening at panel po ang nag-interview.  Nasa Personnel Division po namin ang buong documents for your reference and to prove na hindi po dahil sa kasipsipan. Nung naging OIC po ako ng Materials Management and Inventory Division in 2004, marami po akong nadiskubreng anomalya at lahat po ng iyon ay on-going ang investigation sa OGCC.  One the cases po na nai-file ko ay against MR. VICTOR DE VERA, for falsification of public documents, dishonesty etc.  Lahat po ng mga empleyado na involved sa anomalies na nadiscover ko ay nasuspinde including Mr. De Vera.  

Totoo rin po na member ako ng NKTI Coop Plus na may share capital na 100,000 at hindi P 250,000 na naka-publish po sa inyo. Naka-declare din po sa SALN ko ang Jamaican Patty under Isle of Springs Corporation  since 2003. Sa pag-declare po kasi ng SALN, hindi po yung franchise business ang ide-declare kundi yung name of corporation. 

Regarding libelous comment na ako ang kumukuha ng commission sa lease parking lot ay hindi rin po totoo dahil hindi po ako member ng nagdesisyon o namamalakad ng parking during Ayala term. Na-assign lang po ang parking management sa akin last September 2011 at hindi na po ang Ayala Parking Management ang nanalo noon sa bidding.   

Ang asawa ko po ay hindi laborer sa ibang bansa, isa po siyang Civil Engineer at may position na Project Manager sa isang kumpanya doon. 

Sana po ay ma-publish din ang aking side para maging pantay naman po ang inyong pagbabalita.

Show comments