KAPAG panahon ng eleksyon, sari-saring isyu ang nagsusulputan. Alam niyo ba na nahaharap sa diskuwalipikasyon si Bataan Governor Enrique “Tet†Garcia dahil sa inihaing petisyon ni Mariveles Mayor Oscar delos Reyes? Wala na umanong kakayahan ang gobernador na tumupad sa tungkulin dahil sa isyung pangkalusugan. Well, tingin ko nama’y pakakasuriin ng COMELEC ang merito ng petisyon ni delos Reyes.
* * * * *
SAPAT na pagkain para sa lahat ng Pilipino ang plataporma ng kumakandidatong Senador ng United Nationalist Alliance (UNA) na si Jack Enrile, anak ni Senate President Juan Ponce Enrile.
Lahat naman ng mga kandidato ay kani-kaniya ang agendang ipiniprisinta para sa kapakanan ng mamaÂmayan. Pero sana, ang diwa ng Mahal na Araw ay magpaalaala sa lahat na “it’s a sin to tell a lie.â€
Mayroon kasing iba diyan na noong nangangampanya ay nangako ng mga magagandang programa pero sa pag-upo’y walang nakitang implementasyon.
Anyway, ang mga kandidato ay binibigyan natin ng benefit of the doubt.
Tinuran ng nakababatang Enrile na patuloy na lumoÂlobo ang populasyon at lumalaki ang konsumo at iyan ang suliraning pagtutuunan niya ng pansin upang umagapay ang supply ng pagkain sa pangangailangan ng lumaÂlaking populasyon. Wish you the best of luck Rep, Enrile.
Mayroon kasing mga programang ambisyoso at madaling ipangako pero mahirap ipatupad. Isa na riyan ang Magna Carta for the Poor na aprobado na sa Mababang Kapulungan at Senado pero veto ang inabot kay P-Noy.
Ang dahilan, walang pondo para maipatupad ito. Hinihingi kasi ng batas ang pagbibigay ng murang pabahay sa mga mahihirap at iba pang benepisyo.
Inamin ng Pangulo na katakutakot na demanda ang malamang sapitin ng gobyerno dahil siguradong hindi maipatutupad ito dahil sa kakulangan ng pondo.
Oo nga naman. MaÂgandang basahin at paÂkinggan pero kung suÂsuriing mabuti, halos imÂposibleng maÂipatupad due to budgetary constraint.
Sabi ni P-Noy hindi niya ugaling magpa-guwapo para aprobahan ang mga batas tulad ng Magna Carta for the Poor.
Well, that’s calling a spade a spade.