‘Boyfriend online’

SA paglawak ng kaalaman ng tao sa mga pakinabang na hatid ng internet, karamihan sa atin, naging dependent na sa makabagong teknolohiyang ito.

Maging ang paghahanap ng kasintahan o makakapareha sa buhay, kung minsan, sa internet na rin inaasa.

Naging patok ang mga online dating websites at ma-ging sa mga social networking websites na hanapan ng makaka-relasyon.

Subalit kuwidaw sa mga nakikilalang estranghero sa pamamagitan ng pakikipag-chat at palitan ng mensahe online.

Dahil madaling magkubli ng totoong identidad, mara-ming kawatan ang ginagawang palaruan ang internet upang makapang-huthot lamang ng pera sa kanilang mga kasinungalingang ipino-pronta.

Sa oras na mahulog sa patibong ng kanilang matatamis na salita, hindi na ligtas ang pitaka at bulsa ng kanilang target na biktima.

Karaniwang kapwa Pinoy na nagpapanggap lamang na foreigner ang suspek sa ganitong uri ng panloloko.

Makailang-ulit nang naka-engkwentro ng mga kaso na tulad nito ang BITAG subalit dahil ganoon lamang din kadali para sa mga lover boys na burahin at palitan ang kanilang nilikhang account sa mga dating o social networking sites.

Kaya naman payo ng BITAG sa lahat ng aming mga tagasubaybay na mag-isip isip, at huwag basta maniniwala sa sino mang estrangherong sa internet lamang nakilala.

Subaybayan ang BITAG Live sa Aksiyon TV Channel 41 at Radyo 5 92.3fm, araw-araw, 10:00 am-11:00 am; Pinoy U.S. Cops – Ride Along at BITAG tuwing Sabado sa PTV Channel 4, 8:30 pm - 9:00 pm at 9:15pm - 10:00 pm.

* * *

Para sa inyong mga sumbong at tips magpadala ng text message sa 09192141624 o mag-email sa bahala­situlfo@hotmail.com o magsad­ya sa BITAG Headquarters #299 Syjuco Bldg. Kalaw Hills, Tandang Sora, Quezon City tuwing araw ng Miyerkules, alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

 

Show comments