DAHIL sa Sabah standoff, mainam balik-aralan ang sovereignty (teritoryong pambansa) at proprietary (pag-aaring personal) claims:
Nu’ng unang panahon, mga sariling nasyon ang Sultanate ng Sulu, Sultanate ng Lanao, at Sultanate ng Maguindanao -- hindi nagpalupig sa Kastila. Siglo 1500 nang asawahin ng Sultan ng Brunei (sa Borneo) ang apo ng Sultan ng Sulu; naging magkakamag-anak ang inapo. Patapos ang siglo 1600 nang, sa tulong sa pagyurak sa rebelyon, ibinahagi ng Sultan ng Brunei ang Sabah (North Borneo) sa Sultan ng Sulu. Taong 1763, nagkasundo ang Sultan ng Sulu na ipagamit ang Sabah sa British East Indies Company; walang nangyari dahil nagkaalitan. Taong 1878, matapos mabili ang una ng British East India Trading Company, nakipagkasundo muli sa Sultan ng “padjak†ang presidenteng (Aleman) Baron von Overbeck. Ibinenta ang ikalawa sa British North Borneo Company, na nu’ng 1946 ay isinapi ang Sabah sa Britain. Taong 1963, isinapi ng Britain ang Sabah sa bagong tatag na Federation of Malaysia.
Nagkagulo dahil sa pagsasaling-wika ng kasunduan. Ang “padjak†sa salitang Tausug ng Sulu ay “paupaâ€, ngunit isinalin na “grant (bigay)†sa Ingles. Ganunpaman, nagbayad taun-taon ang Britain, tapos ang Malaysia, ng halaga ng 5,300 ringgit (P74,000 ngayon) sa Sultan ng Sulu.
Taong 1898, ibinahagi ng España ang Pilipinas sa US. Umangal ang mga Sultanate ng Sulu, Lanao, at Maguindanao. Taong 1946, isinapi naman ng US ang mga Sultanate sa ikatlong Republika ng Pilipinas. Taong 1962, isinapi ng Sultan ng Sulu sa Republika ang “soveÂreignty claim†sa Sabah. Nagpatuloy ang “proprietary claim,†at hanggang ngayon ay humihingi ng dagdag ang Sultanate.
Hindi sila tinutulungan ng pamahalaan, kaya napilitang igiit ang claim mismo sa Malaysia.
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: jariusbondoc@gmail.com