DAPAT buwagin ni DILG Sec. Mar Roxas ang “paihi†sa Batangas dahil maliwanag na ito ay isang economic sabotage. Para sa kaalaman ni Roxas ang “paihiâ€, ang pinakamalaki sa buong bansa, ay matatagpuan sa Bgy. Aguila sa San Jose, Batangas. Dapat planuhing maigi ng kababayan kong si Roxas ang raid sa “paihi†dahil halos lahat ng operating unit ng PNP, NBI, DILG at iba pa ay nakatimbre rito. Pero sa tingin ko, angkop sa naturang trabaho dito kay CIDG director Chief Supt. Francisco Uyami Jr. dahil hindi pa namantikaan ang kanyang nguso ng mga operator ng paihi, di ba mga suki? Matagal nang nag-ooperate ang paihi Sec. Roxas Sir at hindi naman nagbabayad ng buwis ang mga financiers nito kaya’t maliwanag na economic sabotage ito. Ano sa tingin n’yo mga suki?
Dito sa Bgy. Aguila dumadaan ang mga malalaking tanker ng gasolina, malalaking truck ng LPG at yung may kargang mga sangkap ng kahit anong produkto sa paggawa ng sabon o sa pagluluto. Kaya tinatawag na “paihi†Sec. Roxas Sir dahil ang ginagawa ng sindikato, binabawasan nila ang kargang gasolina ng mga tanker at binibili ito sa mababang presyo kada kilo. Siyempre, ibebenta nila ito sa labas at ang talo rito ay ang mga kumpanya ng langis. Ang mga malalaking trak naman ng LPG ay pinapasingaw at sa mababang halaga rin binibili ito. Ganundin ang modus operandi sa mga sangkap ng sabon o sa pagluluto. Ang operation nitong “paihi†station sa Bgy. Aguila Sec. Roxas ay walang resibo. Kaya hindi lang ang mga kompanya ng gasolina, LPG at mga sangkap ng sabon o pagluluto ang nalulugi kundi maging ang gobyerno. At saan babawiin ng mga negosyante ang nalulugi sa kanila sa “paihi†na ‘yan kundi sa sambayanan, di ba mga suki?
Kailangan buwagin ni Roxas ang paihi sa Bgy. Aguila sa lalong madaling panahon para maibaba ang presyo ng gasolina, LPG at iba pa.
Ayon sa mga kausap ko sa Batangas, ang mga nasa likod ng paihi opeÂration sa Bgy. Aguila ay sina Manolo Contreras, Bart Blanco, Noel Virtucio at Felix Rodriguez. Kilala tiyak sila ni Sr. Supt. Rosauro Acio, ang provincial director ng Batangas PNP dahil me lingguhan siya sa “paihi†operation. Ang tumatanggap umano para kay Acio ay si Flo-rence Manimtim, ang tong collector niya. Kaya pala nagpupursigi si Acio na makabalik sa dati niyang puwesto ay dahil sa laki ng iniakyat na pitsa sa bulsa niya ng “paihiâ€. Si Acio kasi ay sinibak sa puwesto matapos mapatay si alyas Pandoy, ang dating right hand ng nasirang gambling lord na si Vic Siman. Subalit nakakuha ng padrino si Acio sa katauhan ni Batangas Gov. Vilma Santos at haÂyun, masaya na naman siya dahil sa kita sa “paihiâ€.
Abangan!