MAPAPASIGLA ba ng sugal ang ekonomiya ng bansa? Puwede itong sagutin ng “oo†dahil may mga pruweba na sa mga bansang tulad ng Las Vegas, Macau, SingaÂpore, Malaysia at iba pang nakasandal sa operasyon ng mga Casino ang malago at maunlad na ekonomiya.
Ang Pilipinas ay may nakahanda nang blueprint para palawakin ang operasyon ng mga casino at humikayat ng mga foreign investments sa pagtatayo ng isang ma-laking entertainment complex na lalagyan ng mga pasilidad sa pagsusugal. Ito ay planong itayo ng PAGCOR sa isang malawak na reclaimed land sa Roxas Blvd.
Tutol dito ang grupo ng mga Kristiyanong bumubuo ng Intercessors for the Philippines (IFP) sa pamumuno ni Bishop Dan Balais.
Sa isang press statement, sinabi ng IFP:
Considering that we now have the latest gross international reserve (GIR, a measurement of a nation’s wealth) of more than 85 billion dollars, we have become an envy of many nations. Having been given a new title, THE NEXT ECONOMIC TIGER OF ASIA and not anymore “The Sick Man Of Asiaâ€. Having one of the most stable currencies in the region if not in the world. Having a growing and sustainable stocks index (Maintained at 6500 points) exchange. Having become the darling of investors. It is time to reject shortcuts to progress and hindering factors to success like the casinos.
Oo nga naman. Kung magpapatuloy ang mga na- bang git nating positive trends, bakit kailangan pa nating magpalawak ng operasyon sa sugal?
Kung tutuusin, maraming buhay at mga pamilya na
ang winasak ng talamak na bisyo ng sugal. Mga negosyong bumagsak dahil ang may-ari ay nalulong sa bisyong ito. Kumita man ng limpak-limpak na dolyar para sa kabang-bayan ang mga casino, hindi nito ma tutumbasan ang mga buÂhay na winawasak ng masamang bisyo ng pagsusugal.
Diyan sa casino mo makikita ang mga talunan sa sugal na nagsasanla ng mga alahas at ari-arian sa pag-asang mabawi ang kanilang natalo.