NANGAPAL ang mga palad kakagapas, nasunog ang balat sa kakatatanim… ‘di alintana ang tirik na araw at lalim ng putik.
“Tumanda lang po ako sa talukan!†paliwanag ni ‘Niño’ matapos sabihin ang kanyang edad ng amin siyang tanungin.
Sa edad na 24 anyos, kupas na ang tikas ni Niño Gomez. Parang isang dayami sa tag-araw. Isang magsasaka sa Malawaan, Rizal Occidental Mindoro si Niño. Lahat ng paghihirap sa talukan (bukid) tiniis niya para kay Elaine May mas kilala sa tawag na ‘May-May’, ang babaeng kanyang pinakamamahal.
Bago pa magkolehiyo si Niño sa Lyceum, Pangasinan ng kursong computer programming naging sila ni May-May, dati niyang skulmeyt sa Rizal National High School. Graduating nun si Niño, third year naman ang babae kaya’t ang isang buwang relasyon mabilis na naputol. Nawalan sila ng komunikasyon.
Taong 2006, tumigil sa pag-aaral si Niño. Bumalik siya ng Mindoro at muling tinuloy ang naudlot nilang relasyon ni May-May. Hindi na nag-aral si Niño, nagsaka siya sa ektaryang lupain ng kanyang lola. Mula ng kumita, siya na ang tumutulong kay May-May sa pag-aaral nito.
Kumuha ng kursong Business Management si May-May subalit dalawang taon makalipas lumipat sa kursong Bachelor of Science and Secondary Division, Major in English sa Occidental Mindoro State College (OMSC).
‘Half scholar’ si May-May kaya’t halagang Php3,000 lang ang sinasagot ni Niño at Php500 kada lingo para sa kanyang ‘allowance’. Sa kabila ng pagiging galante nitong lalaki, nagawa pa umanong tumingin sa iba ni si May-May. Nahuli niya itong may iba raw ka-text, si ‘Christian’.
Binigyang malisya ni Niño ang mga texts, kinumpronta niya si May-May. Sa inis nito pinunit niya ang ‘sim card’ sa harap ni Niño at saka umiyak.
Mabilis na umuwi ng bahay si Niño. Kinagabihan, nag-text umano sa kanya si May-May, “Mahal kita pero mahal ko rin siya! Naguguluhan ako…â€
Hindi nagpatalo si Niño, isa lang ang naisip niyang paraan para mapasakanya si May-May… ang mabuntis ito. Ang ginawa niya hindi niya tinupad ang pangakong mag-iingat siyang ‘wag itong mabuntis. “Iglesia Ni Cristo si May-May kaya para di matiwalag nagpakasal kami matapos akong madoktrinahan at mabautismuhan,†anya ni Niño.
Tumuloy ang dalawa sa bahay ng biyenan. Nagpatuloy sa pag-aaral si May-May. Hindi tumigil sa pagsasaka si Niño hanggang nakapagtayo siya ng bahay sa Malawaan Compound. Nakapagtapos ng pag-aaral si May-May at nagturo sa isang pribadong eskuwelahan. Lingguhan kung ito’y umuwi.
Taliwas sa simpleng pangarap ni Niño sa bukid, gusto ni May-May na makapunta ng Maynila at magtrabaho. Disyembre 2012, matapos makapasa sa ‘board’ at makakuha ng lisensya sa pagtuturo, nagpaalam itong luluwas.
Hindi pumayag si Niño. Nagmatigas si May-May, “Pupunta ako ng Maynila sa ayaw at sa gusto mo. Magko-call center agent ako!†sabi raw nito.
Isang bagay ang naramadaman ni Niño ng marinig ito sa asawa…ang panghihinayang. “Sayang naman lahat ng paghihirap natin… paghihirap ko! Dito ka na lang, magturo ka na lang sa Mindoro,†pakiusap ng mister.
Kasabay ng planong pagpunta ni May-May sa Maynila umugong ang balitang madalas daw siyang pumunta sa bahay ni Christian.
“Naghihinala na ako nun… nang buksan ang facebook niya, wala man lang nakalagay na married. In a relationship ang kanyang status. Maging folder ng pictures namin sa kasal burado,†wika ni Niño.
Dagdag pa niya, ilang beses niyang bina-block ang account ni Christian subalit ina-unblock daw ito ng misis. Disyembre 26, inaya ni Niño si May-May na bumisita sa kanyang ina. Ayaw sumama ni May-May. Nagpaalam daw itong pupunta kay Christian. Walang nakapigil kay May-May.
. “Magulang mismo ni Christian ang nagsabi, tatanggapin nila si May-May ng dalawang kamay kasama pati paa…†wika ni Niño.
Walang nagawa si Niño, kundi ang tumingin sa malayo… sa kawalan na ‘di alam ang gagawin. Ika- 01 ng Enero 2013, tuluyang pumunta sa Maynila ang misis kasama raw ang lalaki na kasalukuyang nagtatrabaho sa Pasig.
Si May-May naman naiwan sa tinutuluyan nilang bahay at kasalukuyang naghahanap ng trabaho, ayon kay Niño. Muli silang nagkaroon ng komunikasyon subalit giit ni May-May wala na raw siyang balak bumalik kay Niño. Ito ang dahilan ng paglapit niya sa aming tanggapan.
Itinampok namin siya sa CALVENTO FILES sa radyo. “Hustisya Para Sa Lahat†ng DWIZ882 KHZ (Lunes-Biyernes 3:00-4:00PM at Sabado 11:00AM-12:00NN).
PARA sa isang balanseng pamamahayag, kinapanayam namin si May-May para kunin ang kanyang panig sa usaping ito. Diretso namin tinanong kung totoo bang sumama siya sa isang lalake, “No!†matigas subalit mahinang sagot nito. Sinabihan namin siyang ilakas ang kanyang boses subalit sabi niya, “Puwede po mamaya na lang. Hindi po kasi puwede…â€
Off the air, sinubukan namin ulit tawagan si May-May subalit hindi na ito sumasagot sa cell phone. Tinext namin siya at inimbitahan sa aming tanggapan para makapag-usap sila ni Niño at hindi na umabot ang problemang ito sa mahabang usapin sa korte subalit reply nito, “I have nothing to explain. Sino ba namang battered wife ang magtatagal sa ganyang asawa?â€
SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, kinumpronta namin si Niño kung nanakit siya ng asawa, sagot niya sa amin pektos o galit na may halong panggigil at pagpigil lang daw. Aminado siyang nasampal niya itong si May-May pero giit niya nagawa niya ito dahil sa umano’y panlalalaki nito.
Hindi namin para pagsabungin itong mag-asawa. Maaring naÂnanakit nga itong si Niño kaya’t nilayasan siya ni May-May at sumama ito sa isang lalakeng mas maalagaan siya. Para makaganti itong si Niño naisip niyang kasuhan ng ‘Adultery’ si May-May kung ‘di lang din ito babalik sa kanya.
Kung ika’y binubugbog ng iyong asawa (battered wife) may mga batas tayo na maaring kumandong sa iyo upang ika’y maprotektahan. Kelan man hindi magiging tama ang isang mali sa paggawa ng isa pang mas malaking pagkakamali. Ang ginawa mong pagsama sa ibang lalake ay may mabigat na parusa sa ating Codigo Penal. Para sa mga lalaking magaan ang mga kamao na mabilis manapak sa kanilang asawa dahil sa pagkakamali, ‘di ito ang solusyon para maayos ang inyong pamilya. Ito’y magbibigay daan lang upang mabigyan ng dahilan ang isang babae na mag-isip ng hindi wasto at ‘di naaayon sa alituntunin ng ating lipunan.
Matapos sabihin ang lahat ng ito, kung ako si May-May mas mainam na makipag-usap sa iyong asawa kesa humarap sa isang hukom. (KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL) Ang aming numero 09213263166(Aicel)/ 09198972854 (Monique) /09213784392(Pauline). Tumawag sa 6387285 at 24/7 7104038. Address: 5th floor CityState Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig. (Lunes-Biyernes)
Follow us on twitter: Email: tocal13@yahoo.com