SA February 8, 2013, sa ganap na alas-6pm sa Victoria Cockpit Arena, sa Victoria Oriental Mindoro, ang 4 - cock pasabong ni Atty. Biyong Garing, promoter.
Sabi ni Atty. Garing, ang invitational pasabong ay lalahukan ng mga sikat na mananabong sa Philppines my Philippines na may P300,000 up, P25,000 para sa handler at P15,000 sa gaffer, pot money na P11,000 at P11,000 ang minimum bet.
Sa mga mananabong dayo na kayo sa invitational pasabong ni Ka Biyong.
Nagsabong sina Enrile at Cayetano
NAGBATUHAN ng baho sina Senate President Juan Ponce Enrile at Senator Allan Cayetano matapos igiit ng huli sa una na magkaroon ng private auditing sa saving ng Senado sa ginawang ‘privilege speech’ nito yesterday.
Ang problema ng magsalita si Enrile ay kinadyod nito si Senator Allan regarding sa utang na P37 million ng yumaong erpat nito na si dating Senator Rene Cayetano kaya naman nagmistulang mga bata ang dalawa ng magbangayan ang mga ito.
Ika nga, nagkapikunan na !
Sabi nga, only in the Philippines my Philippines !
Kaya naman dahil dito ay halos napanganga ang madlang people na nakikinig sa dalawang ito.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, noon pang 1998, may hidwaan umano sina Senator Enrile at dating Senator Rene Cayetano kung ano man ito siguro hindi na natin dapat pang bulatlatin sila na lang dapat ang makaalam.
Ang pinagmulan ng bangayan nina Senators Cayetano at Enrile ay ang pondo sa Senado.
Abangan.
Biazon pabibilibin si P. Noy sa electronic system ng BOC
MUKHANG gustong pabilibin ng todo ni Commissioner Ruffy Biazon si P. Noy para ‘ituwid ang daan’ sa Bureau of Customs dahil gustong gawin nang una na maging operational ang electronic system sa paniniktik ng status ng mga kargamento sa loob ng Broker’s Lounge sa Port of Manila at Manila International Container Port para labanan ng husto ang smuggling.
Ginawa kasi ni Biazon ang computerization program ng aduana para nga naman matiyak ang integridad, seguridad at maayos na daloy ng mga trabaho sa pagpoproseso ng entry documents sa aduana.
May electronic monitoring system na ginawa na ngayon at gagamitin sa POM at MICP kaya naman balak ni Ruffy na palawigin pa ito sa iba pang major ports sa Philippines my Philippines para malaman ang pagpasok ng mga Entry Number, Status Section Number, Time and Remarks ng mga pumapasok na kargamento sa pantalan.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, inutusan ni Biazon ang lahat ng mga district collector na maglagay ng mga kiosk para sa stakeholders para puwede nilang malaman ang status ng kanilang entries sakaling ang particular na entry number ay hindi makita sa monitor.
Sabi ni Biazon, ang electronics system na siguro ang kasagutan laban sa pagdagsa at sa madalas na wala sa ayos na transaksiyon sa aduana na matagal nang problema sa mga major port kaya tuloy mabagal ang paglalakad sa mga dokumento at kung minalas - malas pa ay nawawala pa ang mga important document.
Kaya naman dahil sa programang hindi na magkakaroon ng problema ang mga taga - customs para bulabugin sa ‘formal entry’ division ng BOC.
Nasaksihan ng personal ni P. Noy ang nasabing programa kaya naman natutuwa ito kay Biazon dahil sa repormang ipinatutupad nito sa BOC.
Abangan.