P2 billion subi ng Aquino admin para sa LTO IT-IP

ANG Digitext Asia et al ang lowest bidder sa katatapos na subastahan ginawa para sa DOTC - LTO IT Infrastructure project last December 2012, kaya naman mula ng sila ang ideklara ay hindi na ito tinigilan sa mga ‘demolition job’ o paninira ng mga kamote laban sa kanila.

Nagpa-bidding kasi ang DOTC para sa LTO IT Infrastructure project dahil ang STRADCOM ay paso na ang kontrata sa Land Transportation Office sa Pebrero ngayon taon.

Sabi nga, goodbye, goodbye!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagla-lobby pa daw ang STRADCOM na ma-extend ang kontrata nila sa LTO?

Naku ha, kapal!

Totoo kaya ito?

Kambiyo issue, nilampaso ng Digitext Asia Inc., bilang lowest bidder sa halagang  P3.8 billion, ang Fritz and Maczoil P5.3 billion bid price at ang Eurolink Network P5.8 billion bid price kaya dahil dito sangkaterbang kritiko ang naglabasan at inumpisahan sirain ang bida.

Tiyak masaya ang gobierno hindi siempre ang mga bugok sa government of the Republic of the Philippines my Phlippines kasi P2 billion ang matitipid ng administrasyon ni P. Noy sa nangyari kaya itama na natin at ‘ituwid ang daan’ dito.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa mga paninirang pinaggagawa ng mga gago este mali kritiko ng Digitext Asia et al at matapos na rin at manahimik na ang mga kamote para kumalma ang mga ito at matapos na ang sentiments nila kailangan na sigurong ipa-sked ni DOTC Secretary Jun Abaya, sa mga member ng Bidding and Awards Committee na mag - PROOF OF CONCEPT o ang end to end demo ng kanilang system gamit ang mga hardware na specified sa kanilang bid at makita kung palpak ba o state of the art ang ipapasok nilang produkto from Trimax, India ang kanilang ka-joint venture.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa tatlong bidders ang dalawa sa mga ito ay nag-sumite daw ng credit line certificate (CLC) samantala ang Digitext Asia et al submitted a ‘NET FINANCIAL CAPACITY’ (NFC).

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Tanong - sino sa palagay ninyo ang gigisa sa sarili natin mantika tungkol sa usapin salapi?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, Digitext Asia et al are ready to put the system up in an month or as needed once STRADCOM contract expires.

‘Maraming klaseng paninira ang ginagawa ng mga kalaban ng Digitext Asia et al kung bibigyan ng panahon ng lowest bidder ito tiyak mauubos ang kanilang oras sa walang kakwenta-kwentang tsismis at illusion’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Ang importante ay kailangan magpa-’PROOF of CONCEPT’ na ang gobierno sa Digitext Asia et al para magkaalaman kung palpak nga ang nasabing kumpanya tulad ng ikinakalat ng mga kamote.

Abangan.

Biazon sa mga rice smuggler

KINASUHAN ni BOC Commissioner Ruffy Biazon sa DOJ ang 31 officials ng apat na central Luzon based cooperatives dahil ito ang mga sinasabing consignee sa 78,000 sacks of Vietnam rice worth P93,600,000 na tangkang i-swing sa Port of Legaspi last year.

Ang akala kasi ng mga smuggler ay pakaang-kaang lang ang grupo ni Ruffy kaya naman tinesting nila ang puersa ng mga ito hayun sabit at may kaso pa sila ngayon.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, wala kasing mga pakialam sa mga local farmers ang mga smuggler basta ang importante sa kanila ay kumita ng salapi ng hindi pinapawisan.

Ngayon tiyak pagpapawisan ng husto ang mga ito dahil sa kasong isinampa laban sa kanila. Hehehe!

Ayon kay Ruffy, malinaw pa sa sikat ng araw na may libag este mali lumabag pala ang mga ito sa  Sections 101 at 3601 ng Tariff and Customs Code of the Philippines (TCCP).

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Ipare-review ni Ruffy ang entries ng lahat ng rice importations para matiyak na may mga permiso ang mga ito at importation quota ay hindi naman nalalabag.

Bahala na ang mga kinasuhan sa DOJ na magpaliwanag ng kanilang kabalastugan kung mayroon man silang ginawa.

 

Show comments