Nawalan ng P210M ang Aklan province dahil pinutol este mali tinutulan pala ni Senator Sergio Osmeña III ang resolusyon na umaayon sa paglikha ng isa pang congressional district doon..
Nagsumite si Aklan Rep. Florencio Miraflores sa Kongreso ng House Bill No.3860, isang panukalang batas na naglalayong lumikha ng ikalawang distrito sa Aklan dahil sa support ng may 17 alkalde ng lalawigan, madali itong nakapasa sa kongreso sa kadahilanang maganda ang maidudulot ng karagdagang kakatawan sa ekonomiya ng probinsiya.
Ang isang congressional district ay may Priority Development Assistance Fund na P70 million yearly o P210 million sa term ng isang kongresista.
Kung papalarin na dalawa ang rire-presinta sa kongreso, P420M sana ang pondo na maibubuhos sa Aklan ng gobyerno, sa loob ng tatlong taon. Pondong maaaring gugulin sa mga programa at proyekto sa sector ng Agrikultura, Edukasyon, Kalusugan, Imprastraktura at Turismo.
Sabi nga, sayang!
Sinuportahan ni Senate on Local Government Committee chairman Sen. Bong Bong Marcos ang pagdinig sa panukalang batas. Sabi ni Marcos, nararapat na magkaroon ng isa pang distrito ang Aklan dahil may kabuuan na itong populasyon na 535,725, ayon sa 2010 population census.
Ayon sa ating saligang batas, para magkaroon ang isang probinsiya ng represintante sa kongreso, ang isang distrito nito ay dapat magkaroon ng populasyon na humigi’t kumulang sa 250,000.
Kung ito lamang ang babasehan, siguradong papasa ang House Bill 3860. Kaya lang tumutol si Osmeña ng pag-aapruba sa panukalang batas dahil lamang hindi raw siya nabigyan ng kopya ng panukalang batas.
Naku ha!
Ano ba ito iyon lang kaya ang dahilan?
Dahil sa pagkontra ni Osmeña, suspended sa Senado ang pagdinig sa House Bill 3860 at hindi ito naaprubahan bago nagsimula ang paghahain ng kandidatura ng mga nais tumakbo sa halalan 2013. Inaasahan ng maraming Aklanon na ang dagdag na P210 million na PDAF ng mas malaking tulong sa kanilang probinsiya tulad ng mga serbisyo sa mga water system, imprastruktura, street lights, at classroom na malaking bagay para sa madlang people dito.
Sa pagtutol ni Osmaña, tiniyak nito na limitado sa isa ang boses ng mga Aklanon sa Kamara.
Abangan.
Sindikato sinubakan ang pakete sa postal bureau
LUMIPAT ng linya ang mga sindikato ng ‘gun parts’ sa NAIA to postal bureau dahil hindi sila makalusot sa paliparan kahit na anong pang pagpa-plano ang kanilang isipin ‘huli’ ang epektos nila.
Ang hindi alam ng mga sindikatong pakamo-kamote ay naka-monitor ang mga tauhan ni Postmaster Josie dela Cruz sa Central Mail Exchange Center d’yan sa Pasay City at ang mga tauhan ni BOC Commissioner Ruffy Biazon ng 24/7 kaya ano man ang gawin nila huli ang kanilang epektos tulad ng 20 pieces na gun barrels ng M-14 rifles.
Sabi nga, mukhang pang-ambush ito? Hehehe!
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dinaya pa ng mga kamote ang kanilang deklarasyon para linlangin ang mga taga - CMEC akala kasi nila mga tanga kaya naman pinalabas pa ng mga hunghang na mga chocolate at libro pangpa-bobo ang kanilang shipment.
Kaya hayun, silat. Buti nga!
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, natuklasan ang mga epektos ng iksaminin ng mga taga - customs sa CMEC ang nasabing pakete matapos mapag-alaman na ang mga ito ay galing Orlando, Florida, USA na ipinadala sa parcel.
Ibinida ni Biazon sa mga kuwago ng ORA MISMO, na ang consignee na si Jaydi Miranda, 42, ng Old Sta. Rita, San Miguel, Bulacan, pero itinanggi niya na alam niya ang laman ng pakete pero ang shipper ay ipinakilala lamang daw ng kaniyang kaibigan.
Napag-alaman kay Biazon, ang bawat barrel ng M-14 ay P30,000 ang selling price sa Philippines my Philippines.