MATINDI ang ginagawang ‘demolition job’ sa Digitex Asian Corporation matapos silang paboran at manalo sa ginanap na DOTC subasta the other week dahil sila ang papalit next year sa STRADCOM ang information tehcnology provider ng LTO.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang Digitech Asian Corporation ang may pinakamababang bidder sa mga naglaban-laban ng mga company sa pasubasta ng DOTC.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang STARDCOM ay papalitan na ng government of the Republic of the Philippines my Philippines bilang IT provider ng LTO dahil paso na ang contract nila sa February 2013.
Sabi nga, goodbye!
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, happy si DOTC Secretary Joseph Emilio Aguinaldo Abaya, dahil naging matagumpay ang subastahan na sinalihan ng 9 companies para sa open at transparent procurements process.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ibinigay na nila sa Digitext Asia Corp., ang pagiging IT provider ng LTO at LTFRB dahil ito ang may pinakamababa na bid sa halagang P3.8 billion lamang.
Ang mga nilampaso ng Digitext sa katatapos na subastahan sa DOTC ay ang Fritz at Macziol Asia, Eurolink Network, International Corp., Kaisa Consulting at Ceragon Network.
Ang Fritz at Macziol Asia ang siyang nagsumite ng second lowest bid na P5.3 billion, habang ang Eurolink ang nagbigay ng ikatlong pinakamababang bid sa halagang P5.8 billion.
Ang financial bids naman ng Kaisa at Ceragon ay hindi na binuksan para basahin dahil sa kakulangan ng technical requirements.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, inaasahan ni Abaya na magbibigay ng long-term solution sa naging problema sa LTO at LTFRB noong mga nakalipas na buwan sa pamamagitan ng Digitext Asia Corp ay madali ng matunton ng mga authority ang mga ninakaw at smuggled na sasakayan, maiiwasan na ang double registration at madali ng mahuli ang mga colorum at mga hindi registered vehicle.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, malaking kabawasan na rin ito sa sakit ng ulo ng mga matitinong opisyal dyan sa DOTC at LTO dahil masosolusyunan na rin ang mga kaso ng mga PUV’s na nakakakuha ng LTFRB franchise nang walang LTO registration.
Abangan.
Kill, kill, kill the pusher
MASUERTE pa rin ang mga drug mule na ipinadala ng mga miembro ng international drug syndicate sa Philippines my Philippines para palusutin ang kanilang droga sa NAIA dahil the other day ay tinuluyan ni BOC Commissioner Ruffy Biazon ang lima sa mga nahuli na kasuhan matapos silang mahulihan ng may 17.649 kilos illegal drugs sa airport.
Sayang at walang death penalty sa Philippines my Philippines dahil kung nagkataon kasama na nila si Kamatayan ng tsumutsongki ng morotgara. Hehehe!
Sabi ni Biazon, sinampal niya este mali sinampahan pala niya ng case problem sa paglibag este paglabag pala sa Section 3601 in relation to Section 101 at Section 2530 of the Tariffs and Customs Code of the Philippines at Comprehensive Dangerous Drugs Act 2002, ang mga kamoteng sina Napaporn Khamsa; Raphirt Sukasem; Yi Wei Tan; na pawang mga Taiwanese nationals; Pham Thi Anh Tuyet, Vietnamese national at ang Indonesian national na si Dwi Wulandari.
Naghihinayang ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dahil hindi sila binigti.
Ang mga kamoteng drug mules ay dumating sa magkakahiwalay na flights noon October matapos silang utusan ng kanilang amo na dalhin ang droga at ilabas sa airport sa anuman paraan pero ang naging problema ay hindi ito nakalusot.
Sabi nga, sayang natimbog sila!
Buti nga.
Kung susumahin lahat ng droga na ipinasaok ng mga kamote sa Philippines my Philippines ay umaatikabong P.5 billion ang worth nito ang halaga naman ng mga drogang nabuko sa airport ay may P88,246,145 million worth kaya naman kamot ang ulo ng mga bossing nila from abroad dahil nagtataka ang mga ito kung bakit hindi sila makalusot kahit isang shipment man lang.
Naku ha!
Nangarap pa ang mga kamote.
‘Lailangan sampulan ang mga sindikato ng droga para madala sila’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.
Ika nga, kill the pusher!
Abangan.