TUWANG -tuwa sa galak si Jerry Yap, party - list chairman ng Alab ng mga mamamahayag ng bigyan sila ng basbas ng Supreme Court matapos silang dumulog dito.
Nilaglag kasi ng COMELEC ang ALAM at iba pang party-list sa dahilan dehins sila puedeng tumakbo ngayon 2013 election.
Kaya naman sa ginawang decision ng Supreme Court hindi na mapipigilan ang ALAM sa pagtakbo sa May 2013 election.
Sabi nga, good luck!
Ang BI at Chinese nationals sa NAIA
KUNG papaanoorin ang ginagawang istilo ng mga immigration officer sa Ninoy Aquino Internatinal Airport sa mga Chinese national na dumarating sa Philippines my Philippines ay parang mga kawawang nilalang ang mga ito dahil malaking abala o parang niyayari sila ng mga taga - BI.
Sabi nga, ginagantihan?
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pagdating ng mga Chinese national bilang pasahero sa NAIA pipila ang mga ito immigration counter para tatakan ng arrival entry clearance pero ang nangyari last two days ago up to now ay ganito pagkabigay ng kanilang Chinese passport sa IO ay hindi tatatakan ang kanilang passport kundi tatayo muna ang Immigration officer para pumunta sa kanilang duty supervisor at doon iindorso ang intsik na dumating.
Ang gagawin naman ng BI duty supervisor ay itatakbo ang passport sa kanilang opisina para i-xerox ang Chinese passport sa isang coupon bond at pagkatapos ay ang visa nito sa isang coupon bond saka tatatakan ng arrival entry ang mga papel sabay ibabalik sa arriving Chinese.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, napapatanga daw ang mga Chinese national sa ginagawa sa kanila at ang pila sa arrival immigration counter ay humahaba lamang dahil sa pagtayo ng IO para hanapin at iindorso ang mga intsik sa kanilang duty supervisor.
Ika nga, laking abala at gastos sa coupon bond!
Siguro kung may sign of protest ang Philippines my Philippines sa mga ito dapat pag-isipan muna ng BI kung ano ang mainam gawin para hindi naman maabala ng husto ang mga turistang intsik na dumarating sa airport at maglagay ng dalawang xerox machines para hindi nila maabala ang mga ito.
Abangan.
Si Luding at Martin sa jueteng sa Baguio
KAYA pala matindi ang jueteng operation ni Luding sa Baguio ay nakasandal siya kay alyas Martin, isa dating mataas na opisyal sa gobierno.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, si alyas Martin ang nagbigay ng ‘go signal’ kay Luding para bumalik sa dati nitong trono sa Baguio para magpasugal ng 137.
Kaya pala hindi ito ginagalaw ang operasyon ni Luding dahil takot daw ang pulisya sa Baguio na banggain si Martin?
Naku ha!Totoo kaya ito?
Ganito rin ang nangyari noon ng si Luding ang ‘hari’ ng pasugal sa Baguio dahil walang pulis ang gustong bumangga sa kanya kaya naman ang mga taga - National Bureau of Investigation mula sa Manila ang bumanat dito at laglag ang panga ng hari kasi 30 alipores nila ang nahuli, kinasuhan at naglagak ng piansa para makalaya.
‘Kapos ang column ng Chief Kuwago.’
Abangan.