ANG mga manok nina Atty. Biyong Garing at ang kasangga niyang si Ayong Lorenzo ang nag-kampeon sa katatapos na 8 stag derby sa Araneta Coliseum noong Lunes.
Kasama din nina Biyong at Ayong na nag-champion ang mga manok nina Las Piñas Mayor Nene Aguilar at Jimmy Atayde kaya naman hati-hati sila sa P5 million cold cash.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, millionaire pa rin maituturing ang mga nananalo dahil hindi baba sa tig-P1 million ang iniuwi nila sa casa esta mali bahay pala nila.
Kaya naman marami ang nakapila sa bahay nina Biyong at Ayong na nakasahod ang mga kamay dahil asking ang mga ito ng BALATO!
Congrats mga Kuyang!
Malakas ang padrino ni BI Commissioner David
KAHIT kahihiyan ang inabot ni Immigration Commissioner Ric David sa ‘sermon’ ni P. Noy noong anibersaryo nila mukhang wala yata itong balak mag-resign kahit na matindi ang naging isyu tungkol sa una.
Naggagalaiti sa buwisit si P. Noy pero simple lang ang mga binitiwan salita ng sabunin niya si David dahil sa nangyaring pagtakas nina Korean fugitive Kim Tae Dong at ang mag-utol na sina ex-Palawan Governor Joel Reyes at Coron Mayor Mario Reyes.
Siguradong alaws na sa Philippines my Philippines ang mag-utol na pugante dahil nakalipad na ito papuntang aboard este mali abroad pala pero ang Koreanong si Kim Tae Dong ay mukhang until now ay ‘missing in action’ pa rin.
‘Sino ba ang padrino ni David?’ Tanong ng kuwagong Kamote.
‘Malakas si David at parang palipad hangin lamang ang sermon ni P. Noy sa kanya.’
Sabi nga, pasok sa kanan tenga labas sa kaliwang tenga!
‘May nangyari na ba sa imbestigasyon ng DOJ tungkol sa pagkawala ni Kim Tae Dong?’ Tanong ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.
‘Mukhang wala kasi hindi sila napitas sa kinauupuan nilang position.’
‘Ano kaya ang mainam gawin dito?’
Kamote, ikaw na ang sumagot diyan.
Abangan.
Plastic bakit hindi pa ipagbawal
SANGKATUTAK pa rin mga mall, tindahan, resto, palenge, groceries echetera ang gumagamit ng plastic pero gayon ipinagbabawal na ito.
Sabi nga, iwas bara para walang baha.
Tuluy - tuloy pa rin ginagamit ito kahit na may mga batas sa bawat bayan na ipinagbabawal na ang paggamit nito.
Mukhang mahina kasi ang parusa o ningas - cogon lamang ang sinasabi ng mga kamote.
Abangan.