Pulis patay, isa pa sugatan sa pamamaril

MANILA, Philippines - Utas ang isang pulis at sugatan ang isa pa sa magkahiwalay na pamamaril sa mga lungsod ng Taguig at Quezon nitong Lunes ng gabi at Martes ng umaga.

Pinangalanan ng pulisya ang mga nasawing sina Senior Police Officer 1 Mohammad Sugud at Police Officer 2 Gerardo Granado na kapwa nakadestino sa Quezon City Police District (QCPD).

Patay agad si Sugud nang barilin habang sakay siya ng kanyang motorsiklo sa Central Bicutan, Taguig City nitong Lunes ng gabi.

Sakay din ng motorsiko si Granado, na nakatalaga sa Criminal Investigation and Detection Unit ng QCPD, nang barilin siya sa Litex Road sa Fairview, Quezon City nitong Martes ng umaga.

Agad isinugod si Granado sa East Avenue Medical Center.

Iniimbestigahan pa rin ng pulisya ang magkahiwalay na insidente.

Nangyari ang insidente kahit na naka heightened alert ang Philippine National Police at ipinapatupad ang election gun ban sa buong bansa.

Show comments