Petron, Isla nagbagsak-presyo ng LPG

 

MANILA, Philippines – Nagbaba ng presyo ang Petron Corp. at Isla LPG ng 50 sentimo bawat kilo ng retail price ng cooking gas ngayong Huwebes.

Sinimulang ipatupad ang bagsak-presyo 12:01 ng madaling araw ng Huwebes.

Kabilang sa mga produkto ng Petron na kasama sa bagsak-presyo ay ang “Gasul” at “Fiesta Gas” at “Solane” naman para sa Isla LPG.

Noong nakaraang taon ay binili ng Isla LPG ang “Shellane" mula sa Pilipinas Shell, at tinawag itong "Solane."

Ang independent retailer group na LPG Marketers Association (LPGMA) ay P2 per kilo ang kanilang ibinawas o P22 bawat cylinder noong bagong taon.

Sa pagbababa ng presyo, ang Gasul at Solane ay magkakahalaga na lamang ng P700 hanggang P800 bawat tanke, habang ang mga produkto naman ng LPGMA ay maglalaro sa P620 hanggang P650.

Kabilang sa mga produkto ng LPGMA ang Island Gas, Regasco Gas, Pinnacle Gas, Cat Gas, M-Gas, Omni Gas at Nation Gas.

Show comments