Face-to-face classes sa Malabon suspendido

Malabon City map.
Philstar.com / File

MANILA, Philippines — Inihayag ng Malabon LGU na suspendido  ngayong araw ang  face-to-face classes mula Kinder hanggang  Grade 12 at Alternative Learning System (ALS) sa mga pampublikong paaralan sa lungsod.

Kailangan na munang linisin ang mga paaralan na ginamit bilang  evacuation center.

Halos isang linggo ring ginamit na eva­cuation centers ang mga paaralan ng mga naapektuhang pamil­ya bunsod ng bagyong Crising at Habagat.

Gayunman, magpapatuloy ang klase sa pamamagitan ng Alternative Delivery Mode (ADM).

Ipinauubaya naman sa mga private schools ang suspension ng  face-to-face classes.

Show comments